11th Clash

140 4 4
                                    

Tik tok.. Tik tok

Tanging ang tunog lang ng wall clock ang maririnig sa loob ng opisina ni Director Choi.

Ang opisina ay napapalibutan ng mga mamahaling kagamitan dala na rin ng kakaiba at mahusay na pagkakadisenyo ng mga ito. Halatang mahilig ang direktor sa arts.

"Ang tagal naman ni Director," tikhim ni Evan na inip na inip na. Nakaupo sya katabi nina Cyrene at Rose.

"Ano kayang hitsura nya?" Tanong ni Cye. Habang naglalaro ang iba't-ibang imahe sa utak nya. Mukha kaya syang goons? May malaking ilong? Mataba? Panot? Panget kaya sya? Natatawa si Cye sa naiiisip nya.

"Psst. Nabubuwang ka nanaman," sita sa kanya ni Rose. "Tingnan mo pinagtitinginan ka na ng mga ugok," dagdag pa ni Rose sabay nguso kela Rapmon na nakaupo sa tapat nila.

Umirap si Cye nang makitang nakatingin sa kanya si V. Hindi mawala sa isip nya na baka sinadya ni V na titigan sya habang naglalaro para madistract sya.

"Haaa~" hikab ni Suga na mukhang inaantok. "Ang tagal naman nung tabaCHOI. Inaantok na ako."

"Suga umayos ka nga," sita ni Rapmon. Dahilan para umayos ng upo si Suga.

"Hi Bebs!" Ngiting-asong bati ni Suga kay Evan.

Nagulat naman si Evan sa inasal ni Suga. "Bebs your face. Eww~"

"Ehem." Tikhim ni Mr. Ferdero nang nagsisimula nang mag-ingay ang dalawa. "Mr. Choi is very strict when it comes to noise. So please children, be quiet."

Children? Wtf. Ani ni Rapmon sa isip.

Napaitlag si Mr. Ferdero nang sa wakas ay bumukas ang pinto at iniluwa nun ang isang lalaki. Ito ay may matikas na pangangatawan. Maganda ang kutis. Matangos ang ilong. Nakasuot ito ng american suit at shades.

Lahat sila ay napanganga nang isang mala-model ang tumambad sa kanila.

Shit. Siya ba si Director Choi? T-angina. Ang hot! Kinikilig na untag ni Evan. Halos makurot na nya si Danice.

"Sinong tabaCHOI ha Suga?" Asar ni J-Hope.

"Sorry I'm late. My wife is sick. I don't want to leave her but she insisted that I should meet you," paumanhin ni Director Choi habang hinuhubad ang kanyang coat.

Wife? Shet. May asawa na sya? Ang swerte~" nanghihinayang si Jenny na halos maglaway na kakatitig sa magandang lalaking gaya ni Director Choi.

"It's okay Director Choi," sagot ni Mr. Ferdero.

"By the way, I am Director Tabi Choi." Pakilala nya sa sarili tapos ay hinubad nya ang kanyang suot na shades. Dahilan para makita nila ang perpektong hulma ng mata nya.

P-utangina. Mamamatay na yata ako. Jenny na halos mamula na kakapigil sa tili at ngiti.

"Tabi Choi? Tabachoi? Pffft~" natatawang bulong ni J-Hope. "Aww!" Pasimple syang tinapakan ni Jin para umayos.

Umupo si Director Choi at naging mas seryoso pa ang mukha nito.

"I really hope you all know why you guys are here," panimula ni Director Choi. Tapos ay tiningnan nya si Rapmon. "You, tell me why you're here."

Napalunok si Rapmon sa di-inasahang recitation, este, pagtatanong nito.

"Coz of yesterday's feud?" Sagot ni Rapmon.

Tumango si Director Choi. "Good." Tapos ay bumaling naman sya ng tingin kay Jenny na titig na titig sa kanya. "You."

"Y-yes Sir?" Kabadong tugon ni Jenny.

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon