23rd Clash

114 4 5
                                    

Lunes. Isang panibagong simula para sa Bangtan High. Tumunog ang bell hudyat na kailangan na nilang pumila sa quadrangle para sa flag ceremony.

Pero di gaya ng dati, magkasama ngayon ang mga lider ng dalawang grupo sa iisang sulok.

May ilang estudyante na panay ang sulyap at bulong. Wari'y nagtataka. Pero nawala ang tumatakbo sa isip nila nang bumuhay ang musika sa buong paaralan.

"Uy mga beks," tawag ni Evangeline aa mga kaibigan. Nakapila pa rin sila.

"Oh?" Si Danice ang sumagot.

Kumurba ang labi niya dahil sa naisip. "Lunes ngayon." Ani ni Evan.

Taka syang tiningnan ni Danice. "Tapos?"

Napairap si Evan. "Monday means new professor, enebey!"

"Ay oo nga bakla! Sino kaya ang magiging prof natin?" Sabi naman ni Cyrene na sa wakas ay nalayo ang mata kay V.

"Sana gwapo." Jenny.

"Sana macho." Rose.

"Sana kasing hot ni Sir Bae," Cye.

"Sana single," Evan.

"Sana tumatahimik kayo ano po?" Ani ni Danice. Napatingin tuloy sa kanya ang mga kaibigan niya. Ngumiwi sya. "Kanina pa tayo tinitingan ni Director Choi oh!" Sabay nguso sa lalaking nakamasid mula sa loob ng kanyang opisina.

Mabilis namang umayos nang tayo ang apat. At umaktong nakikinig sa sinasabi ng Principal.

NANG NATAPOS ang seremonya, tahimik na bumalik ang bawat estudyante sa kanilang classroom.

"Excited na ako, hihihi" bulong ni Evangeline nang makaupo.

"Hi Evangerrrrrine~"

Nalukot ang mukha ni Evan nang narinig ang tawag ng kabayo este ni Hosoek. Nang nilingon niya ito ay isang nakakatindig na flying kiss ang binigay ng binata sa kanya.

"T-angina," ani ni Evan sabay irap.

"Ang sweet niyo ha ha ha!" Asar ni Rose

"Bitch please."

"Hoy Taehyung saan ka galing kagabi? Bakit gabi ka na nakauwi? Ikaw ha!" Tanong ni Jimin kay V pero walang imik ito.

"Hoy V saan ka galing?" Ani pa ulit ni Jimin. Ngayon ay tinapik tapik nya pa si V.

"Nako baka nakipagdate kagabi," sabat naman ni Suga.

"Ugkkk~"

"Hoy Mehey okay ka lang? Napano ka dyan?" Takang tanong ni Evan sa kaibigan.

"W-wala nasamid lang ako." Kabadong sagot ni Cyrene. Kinuha niya ang kanyang Until He Was Gone na libro para magkunwari na nagbabasa.

Ngumiwi na lang si Evan sabay balik sa pagf-facebook.

"Hoy V ang bata bata mo pa, wag mong sabihin na may girlfriend ka na ha!" Suway ni Jin.

"Anong bata? Oa mo hyung! Di na bata 'yang si Taehyung," Apela ni Hoseok sabay akbay kay V na animoy walang pake. "Sabihin mo nga V dyan kay Jin-hyung na tuli ka na dali hahaha!"

"Hoy matagal nang tuli yung ano ko, Hoseok-hyung." Depensa ni Taehyung. "Itong si Jungkook ang hindi, hahaha!"

"G-ago ka Taehyung!" Sigaw ni Jungkook na animo'y kamatis sa pula.

"Bakit, totoo naman ah? Nakita ko 'yang ano mo, sapot ka pa Jungkook! Hahaha!" Dagdag pa ni V.

Halos ipagdasal na ni Jungkook na sana bumuka ang lupa at lamunin siya. At halos isumpa na niya ang kaibigan niyang si V.

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon