24th Clash

197 3 2
                                    

Kringgggggggg~

Tumunog ang alarm clock sa kwarto ni Cyrene. Pero hindi pa rin siya nagigising. Kaunting oras na lang ang natitira sa kanya para makapaghanda sa pagpasok.

Malakas na buga ang ginawa ng ina ni Cye nang natapos maghain ng almusal para sa magkapatid.

"Saan ate mo?" Tanong nito sa bunsong anak na si Cj na halatang antok pa.

Umupo sa mesa ang bata at kinusot ang mata. "Tulog pa ma." Sagot nito sabay singhot sa sinangag.

"Ikaw ba Cj, gising ka na talaga o gusto mong sampolan kita?" Banta ng nanay nila. Paano ba naman kumakain ng tulog ang bata!

"He he he joke lang ma," Cj

Umiling na lang ang nanay nila sabay tawag kay Cyrene.

"CYRENE MHAE!!!"

Pero wala pa rin.

"ISA PANG TAWAG KO SAYO CYRENE MAKIKITA MO!"

"Ahhh~ GISING NA AKO MAMA!" Sigaw pabalik ni Cye.

Pinakiramdaman niya ang sarili niya.

Tengene ang bigat ng katawan ko. Hindi ako makagalaw.

Halos mapaiyak na siya sa sakit ng buong katawan niya. Daig niya pa ang binugbog o di kaya'y ang sumali sa death march.

Kinuha niya ang cellphone niya at tinext ang mga kaibigan.

Guys ang sakit ng katawan ko. Di ako makagalaw! :'(

Inantay niyang may magreply sa kanya pero nakatulog ulit siya.

"CYRENEEEEEEEE!"

Napabalikwas ng bangon si Cye dahil sa malakas na sigaw ng nanay niya. Nasa loob na siya ng kwarto ng anak.

"AY SUNOG! SUNOG! SAAN ANG SUNOG MA?!" Taranta ni Cye. Mukhang naalipungatan.

Halos matawa ang nanay ni Cyrene.

"Bilisan mo't maligo ka na. Malalate ka na!"

"Waaaah mama ang sakit ng katawan ko~" paawa ni Cye

"Mas sasakit yan kapag nabwisit ako sayo Cyrene Mhae," aniya

Napasimangot na lang si Cyrene. "Oo na maliligo na ako mama."

"Bilisan mo nako." Sabay alis.

Nang maisara na ng nanay niya ang pinto, ambang hihiga ulit siya nang bumalik ulit ang nanay niya!

"CYRENE!"

"Aaaah~ ang sakit ng katawan ko," angil ni Cyrene habang naglalakad papunta sa sakayan ng bus. Paika-ika siyang maglakad, kaya di tuloy maiwasang pagtinginan siya ng ibang tao.

"Bakit kasi di na lang ako hinatid ni papa? Hmmp."

Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa ng bag at tiningnan kung nagreply na ba ang mga kaibigan niya.

Evan: Putengeneeeee! Ang sakit ng katawan ko hayup

Danice: Ako rin :(

Jenny: Masasanay rin kayo sa sakit.

Evan: Waah palibhasa sanay ka nang masaktan! Bwahaha dejk

Jenny: Nagsalita ang hindi pa sanay masaktan? Ano po?

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon