"Jenny,"Mabilis na lumingon si Jenny nang may dumating. Nasa classroom silang dalawa ngayon. Lunch break kaya walang tao. At iniwan nila sa cafeteria ang mga kaibigan nila.
"May nakapansin ba sayo papunta rito?" Tanong ni Jenny habang nagmamasid kung may tao ba sa paligid.
Umiling ang kausap nya. "Wala. Anong ginagawa mo?"
"Naninigurado lang. Baka mamaya kung ano isipin ng mga kaibigan natin kapag nakita tayo ngayon," sagot ni Jenny. "Akin na ang phone ko." Inilahad nya ang kamay nito.
"Tss. Pwede ko naman iabot sayo 'to kanina. Dami mo namang arte," tapos ay inabot nya ang phone ni Jenny.
Mabilis na nilagay ni Jenny ang phone nya sa bulsa ng blazer nya. "Nang dahil sayo, nalate ako."
"Kasalanan ko bang nakalimutan mong kunin sakin ang phone mo?"
"Eh bakit di mo na lang binalik sakin agad?"
"Di ko alam bahay nyo."
"Sana tinanong mo ko sa facebook"
"Di kita friend."
"Aisht! Asar! Oo na. Lagi na lang may dahilan?" Tapos ay nagsimula nang umalis si Jenny.
"Sandali!" Pigil sa kanya ng kausap nya. Hinawakan nya ang braso nito at iniharap sa kanya. Kaya naramdaman nanaman nilang dalawa ang kuryente nang magtama ang balat nila. "Wala man lang 'thank you'?"
Napairap si Jenny at kinuha ang braso nya. "At bakit ako magt-thank you?"
"Dahil sa phone mo. Chinarge ko pa yan. At dahil sinave kita kanina. Kung di dahil sakin, napahiya ka na kanina. Eh hindi ka naman magaling kumanta," pang-aasar nito.
Kumulo naman ang dugo ni Jenny. "Kapal ng mukha mo! FYI hindi maganda ang boses mo!"
"Talaga? Bakit nagblush ka kanina?"
"A-ano?! H-hindi ah. Asa ka. Dyan ka na nga. Bwisit." Tapos ay naglakad uli sya pabalik sa cafeteria.
"Ha ha ha! Crush mo ko 'no?"
Napahinto si Jenny sa sinabi ng kausap nya. "Hoy, mahiya ka pwede? At isa pa, mas matanda ako sayo. As if namang papatulan kita totoy."
Pigil-tawa si Jenny nang mamula sa hiya ang kausap nya. Bull's eye siguro.
"Haaaaa!" Nagulat ang dalawa nang may narinig silang humikab. Hinanap nila kung saan galing ang boses na yun. "Hoy Jungkook, bakit ba ang ingay-ingay nyo? Natutulog yung tao dito." Sabi ni Suga na nag-iinat.
"S-saan ka galing?" Taka ni Jenny.
"Dito sa ilalim ng teacher's table. Bakit?" Sagot ni Suga. "Teka bakit kayo lang nandito?" Si Suga naman ang nagtanong.
"W-wala" tapos ay mabilis na naglakad palayo si Jenny.
Tiningnan lang ni Jungkook ang likod ni Jenny. Aminin man nya o hindi pero may gumugulo sa isip nya ngayon.
"Hmm. Tara na nga, nagugutom uli ako... totoy," sabi ni Suga na tawa ng tawa.
"G-ago ka hyung."
**
"Hoy Cyrene Mehey," kalabit ni V kay Cye. Uwian na ngayon at kasalukuyang nag-aabang ng jeep si Cyrene.
Pisti. Bakit ba ang kulit-kulit ng lalaking 'to? Tanong ni Cye sa sarili. Siya na lang ang naiwan sa school dahil may pinagawa sa kanya si Mr. Dong Baebae.
"Uy~"
"Pisti ka V, isa pa makakatikim ka sakin!"
"Mehey. Mehey. Mehey. Meh--"
BINABASA MO ANG
Bangtan Clash
FanfictionWhen Bulletproof Boys collide with Bulletproof Girls. A story about hormone war. WARNING: This contains explicit "kalokohan" scenes that may not be suitable for minor readers.