Flashback: Evangeline

231 3 33
                                    

The Flashback: Their Cliche Love Story

**Evangeline's POV

Our love story, I may say, is like one of the cliche stories. Where the "super-goddamn-rich-boy fell in love to a short-ordinary-girl."

"Ms. Evan?"

"Bakla ayan na yung order mo dali!" Sabi ni Cyrene sakin nang tinawag na ang pangalan ko. Buti nga at close na kami nito. Paano ba naman lagi nya akong sinusungitan nung first day pa lang ng school.

Pero mas walang tatalo sa kasungitan ni Danice huhu. Pero gaya ni Cye, close na rin kami. :)

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop ng isang mall. Naglalakwatsa at sinusulit ang bakasyon.

"Eto na beks, tatayo na ako. Wag atat ha?" Sabi ko kay Cye.

"Text nyo na nga sina Danice at Jenny kung na saan na sila. Ang tagal naman yata nilang mag-cr?" Naiinip na si Rose sa gilid dahil paubos na ang kinakain nito.

Di ko na pinansin si Rose at dali dali akong tumayo para kunin ang inorder kong cappuccino latte.

"Here's your order Ma'am. Enjoy!" Sabi sakin ni Kuyang gwapo, aheks. Landi ko.

Kinuha ko na ang inumin ko. Pero yung tingin sakin ni Kuya, ang lagkit haha! Nagagandahan yata sakin. Lels. Dahan-dahan kong hinawi ang buhok ko. Pabebe ba haha!

Nang nakita kong nagblush si kuya, tumalikod na ako at natapo-----

"Shit!"

Natapon yung inorder ko sa damit ng taong nasa likod ko.

Ang kanyang puting polo ay naging tsokolate. Patay.

"S-sorry kuya! Nako hindi ko po sinasadya. Sorry talaga, teka lalabhan ko na lang yang dam--"

"It's okay. I'll have it dry cleaned instead. I'm sorry about your coffee though," malumanay nyang sagot sakin. Syeeett. Mala-anghel ang boses ni kuya. Bagay na bagay sa anghel nyang mukha.

Anghel ba to? *0*

"Tao ka ba?" I blurted. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko.

He smiled. Shems.

"Yes.. and I can be the man for you." Sagot nya.

At kasing bilis ng kantang happy birthday, na-in love ako sa kanya.

Nagsimula sa mga texts hanggang sa maubusan ako ng load. Umaaabot pa nga na di na ako kumakain sa school, makapag paload lang ako.

Hanggang sa nagkayayaan magdate.

We met at the most unexpected cliche moment. Got bitten by the ever cliche love-at-first-sight. And the story of cliches goes on..

"Bakla, ayan na ang super rich bf mo. Sinusundo ka na," ani ni Danice sabay turo sa isang itim na porsche na nakaparada sa tapat ng school. Ayos, first day pa lang namin bilang second year ito na agad ang sumusundo sakin. Bakit kinikilig ako? Hihihi

Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang biglang bumukas ang pinto ng kotse at lumabas ang boyfie ko. Umikot sya sa passenger's seat sabay bukas ng pintuan para sakin.

Totoo ba talaga to? As in?

"Teh, ano tatayo ka na lang? Gora na!" Sabay tulak sakin ni Jenny.

Nagbabye ako sa kanila tapos ay pinuntahan ko na si Suho.

"Hi Liit," bati nya sakin sabay halik sa pisngi ko. Kapwa kami naka uniporme.

"Saan tayo pupunta, Tanda?" Tanong ko nang mapansin kong hindi nya ako ihahatid sa bahay.

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon