25th Clash

46 2 0
                                    


"Let's get started!" Sigaw ni Sir Riri sabay palakpak.

Ilang araw matapos nilang makilala ang guro, marami na itong naituro sa mga estudyante. Nariyan kung paano ba ang tamang pagtayo, pagkilos, at paggalaw sa musika. Tinuruan rin sila kung paano ba lagyan ng emosyon ang sayaw.

Hindi naging madali ang klase, lalo na sa iilang hindi marunong sumayaw. Lalo na kay Cyrene na siyang hindi talaga tipo ang pagsayaw. Nariyan't muntik na siyang sumuko buti na lang at nandyan ang mga kaibigan niya.

Tumayo ang limang babae at pumunta sa gitna. Kabado man, wala na silang magagawa. Ilang araw din nilang pinraktis ang sayaw na 'to.

Ito na ang huling araw nila kasama si Sir Riri. At malaking porsyento sa kanilang grade ang last dance performance nila. Ang sinoman ang 'di makapasa, may parusa.

"GO EVANGERRRRRRINEEEEEE!!!" sigaw ni Hoseok. "I-tatlong bibe niyo na dali! Hahahahaha---aray!" Daing niya nang siniko siya ni Namjoon. "Problema mo Namjoo-joo?"

"Fvck you Kabayo," ani Namjoon sabay tingin sa mga dalaga sa harapan.

"You guys ready?" Tanong sa kanila ni Sir Riri. Katabi niya ang kanyang alalay na si Policarpio na siyang may hawak ng camera.

"Mga beks, ready na ba tayo?" Tanong ni Evan sa mga kaibigan.

"Wala naman tayong choice diba?" Sagot ni Rose na kabado rin.

"Okay ka lang Ate Mehey?" tanong ni Jenny kay Cyrene na halatang namumutla.

Tumango si Cye. Kaya ko 'to! Aniya sa sarili.

Marahan siyang tinapik ni Danice sa kaliwang balikat.

... at nagsimula na silang sumayaw.


/plays RV's video/

Mabilis na pumalakpak si Sir Riri kasabay si Policarpio. "Wow! Ang galing galing niyo na!" Puri nito sa estudyante.

Sumunod rin pumalakpak ang mga lalaki. Na akala mo'y ngayon lang nakakita ng babaeng sumasayaw.

"OMG ANG GALING GALING NIYOOOOOO! PAKISS NGAAAA!" Akmang tatayo si Hoseok nang bigla siyang hilahin ni Namjoon. "AISHT NAMJOO-JOO PROBLEMA MO?" Angil niya

Napailing si Namjoon. "Umayos ka nga kabayo. Para kang 'di pinapainom ng gamot."

Nanlaki ang mata ni Hoseok, "B-bakit, may sakit ba ako?" Seryosong tanong niya sa kaibigan.

"Oo. Malala ka na Hyung," sagot naman ni Jimin na natatawa. Nakipag-apir pa ito kay Jungkook.

"T-angina Hyung, mamamatay ka na pala?" Biglang singit ni Taehyung.

Mamamatay? Gamot? Sakit? Malala? Madramang nilagay ni Hoseok ang dalawang kamay sa kanyang leeg at saka umarteng hindi siya makahinga.

Natawa na lang ang mga lalaki sa kalokohan ni Hoseok.

"Seokjin-hyung, ikaw na nga bahala rito kay kaba...yo," tawag ni Namjoon kay Seokjin na ngayon ay nakatingin sa babaeng nasa harapan nila. Nakataas ang dalawang kamay at mariing pumapalakpak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon