21st Clash

132 4 0
                                    


Umaga, nasa bahay nila Evan ang magkakaibigan. Dito na sila natulog kagabi dahil nagpraktis pa sila ng kakantahin nila para mamaya.

"EVANGELINEEEEE!" Naputol ang mahimbing na pagkakatulog ng lima nang marinig nila ang sigaw ni Tita Violeta.

"MAMAAAAA BAKIIIIT?!!" sigaw pabalik ni Evan. Nakaupo siya sa kama niya habang kinukusot ang mata. Katabi niya si Danice habang sina Cyrene, Rose, at Jenny naman ay sa sahig natulog.

"ANONG ORAS NA 'TO! KUMAIN NA KAYO MAY HINANDA AKONG ALMUSAL!" Nang pagkasabi ni Tita Violeta ang salitang almusal, matulin pa sa alas-kwatrong bumangon at bumaba si Rose. Ni walang hilamos o mumog na naganap.

"Tengene nito ni Rose oh. Nakarinig lang ng pagkain baba agad siya e. Hahaha!" Sabi ni Evan. "Tara baba na tayo, baka ubusan tayo ni Rosas."

"Oh umupo na kayo at kumain. Madali kayo hangga't mainit pa ang lugaw." Ani ng nanay ni Evan.

"Salamat po sa pagkain!!"

*

"Manong, sa may ampunan ho?" Cyrene.

"Sige, bente ang isa." Sagot ng tricycle driver.

"Ay manong, ang mahal naman po. Wala bang presyong estudyante?" Hirit naman ni Jenny.

Umismid ang driver. "Wala. Linggo ngayon ineng."

"Eh presyong maganda, meron po?" Singit naman ni Evan.

"Sasakay ba kayo o hindi? Sayang oras ko sa inyo," masungit na sagot ni manong.

Napairap si Danice. "Pms-ing si manong. Tara sakay na nga tayo. Kesa ma-late pa tayo." Bulong ni Danice. Pumwesto siya sa loob habang sina Rose at Jenny naman ay sa likod ng driver sumakay. Samantalang naiwan naman sina Cyrene at Evan sa labas. Nagtitinginan.

"Oh ano beb, alam mo na kung saan ka?" Tanong ni Cye.

"G-agu beks. Walang laitan."

"Hahaha!" Napatingin si Evan kay Danice na natatawa.

"Hoy Kang! Dapat ikaw dyan sa maliit eh!" Evan.

"Luh? Eh mas matangkad ako sayo Evan." Sagot ni Danice.

"Hahaha sakay na beb." Tulak sa kanya ni Cye papasok sa tricycle.

"Oy Manong, sampu lang babayad ko sayo. Presyong maliit lang ano po?" Banat pa ni Evan.

Nang makarating ang lima sa bahay-ampunan, agad nilang hinanap ang teacher nilang si Mr. Dong Baebae.

"Sir!" Tawag ni Cye.

Ngumiti naman si Sir Bae dahilan para maging hugis buwan ang mga mata niya.

"Buti nakarating kayo. Ano, ready na ba kayo?" Tanong sa kanila ni Sir Bae.

"Ay nag-start na po ba Sir?" Tanong ni Jenny.

Umiling ang guro. "Hindi pa. Pero pinapapunta na ang mga bata sa may playground."

"Uh Sir..?" Tawag ni Rose. "May libreng pagkain po ba samin mamaya?"

Mabilis na hinila ni Cye ang pinsan papunta sa likod niya. "Ahehehe nagj-joke lang po si Rose, Sir Bae."

"Hahaha! Don't worry, it-treat ko kayo mamaya kapag natuwa ang mga bata sa inyo. Kaya galingan niyo okay?" Pangchi-cheer pa nito sa mga estudyante.

"Sige ba Sir!" Agree nila.

"Sir DONGGG!!" Napatingin sila kay V na masayang kumakaway kay Sir Baebae. Sa likod niya ay sina Jimin at JHope na mukhang tawa ng tawa. Tapos ay sunod na dumating sina Jin, Rapmon, Suga, at Jungkook.

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon