**CYRENE's POV"Okay, both teams maghanda na kayo. The game will start in 5," kinabahan ako nang mag-announce yung referee. Shet. Paano ba 'to kinakabahan ako? Waaaaah
"Hoy beks, wag kang kabado. Kaya mo 'yan," bulong ni Evan sakin sabay hampas ng malakas sa braso ko. Amputek!
"Sakit ah! Ikaw kanina ka pa," sabi ko. Pero tinawanan lang ako pati sina Jenny nakitawa rin. Aba ang galing!
Kita mo 'tong si Evangeline ang liit liit pero kung mang-asar, wagas! Hiyang-hiya ako sa height nya e. Hihihi pero quiet lang kayo. Baka magalit sya kapag nalaman nya ang tumatakbo sa utak ko.
"Hoy Cyrene Mehey galingan mo! Alalahanin mo dyan nainlove sayo si tenga! Hahaha!" Pang-aasar pa ni Rose sakin.
"Paky-u ka Rose! Mhae yon di Mehey!"
Di ko na lang pinansin ang pagbanggit ng magaling kong pinsan kay tenga. Hindi talaga. Promise!
"Beks, hita at braso ang puhunan mo dyan. Fighting!" Asar pa uli ni Evan.
Isa pa kokonyatan ko to. Hindi kaya malaki ang braso't hita ko. Tanong nyo pa kay Chan--- wala pala!
"Evan wag mo nang asarin si Mehey! Baka maconscious hahaha," dagdag pa ni Jenny.
Aba matinde. Pinagtutulungan na ako ng mga kaibigan ko.
Pero kahit na sobrang manlait ang mga yan, mahal ko yan. Kahit na sawang-sawa na ako sa mga mukha nila, namimiss ko yang mga yan kapag weekends. At kahit na asar na asar sila sa boses ko ang mga yan, nakikinig pa rin sila sa kanta ko. wala e, magkakaibigang tunay kami.
Kumbaga, we are sisters separated by birth. Alam ko naman na kaya nila ako inaasar at nilalait ay para matanggal ang kaba ko sa katawan. Ganyan kami magmahalan, naglalaitan. Hahaha!
"Paky-u kayo. Kapag kami nanalo may batok kayo sakin," sabi ko pa. Tapos ay napatulala ako nang sabay-sabay na dumating ang pitong pinuno ng Bangtan Boys. Manonood sila? Watdapaking.
Tapos nakita ko nanaman si V. Shet. Ang gwapo nya talaga. Crush ko talaga yan e simula pa nung first day. Kaso bakit kaya nya tinitingnan si Danice? H-hindi kaya.. may gusto sya sa kaibigan ko?
Nakita ko kung paano lumibot ang mga mata ni V sa quad. Parang may hinahanap. Si Danice siguro. Eh paano nya agad makikita si Danice, eh andun nakaupo sa likod nila Jenny. Eh alam nyo naman na ang tangkad ni Jenny, panigurado natatakpan nya si Danice.
Nakumpirma ang kutob ko na si Danice nga ang hinahanap nya nang tumingkayad pa si V para lang makita kahit ang bumbunan ni Danice. Shet. Ang sakit. Bakit sa kaibigan ko pa ha V?
Pwede namang ako na lang. Pero bakit sa kanya pa?
Hindi ko naman magawang magalit kay danice kasi kaibigan ko yan. Kumpara sa apat, siya ang tahimik at hindi mapang-asar. At saka kampante ako na ayaw nya kay V kasi hawig ni Baekhyun — ang ex ni Danice. Saksi ako kung gaano sya nasaktan sa ginawa ni Baek. Halos isumpa na nga nya ang buong katawan nun sa sobrang galit. Kaya tingin ko imposibleng magkagusto si Danice sa kamukha ni Baekhyun... sana.
At saka.. mahigpit na ipinagbabawal ng batas ng Bangtan Boys at Girls ang magkaroon ng anumang ugnayan sa pagitan ng dalawang grupo. Kaya mabuti pa siguro tigilan ko na ang pagpapantasya ko kay V.
*prrrrt* naputol ang iniisip ko nang pumito ang referee. Hudyat na magsisimula na ang laro.
Shems kinakabahan ako lalo.
"Go Cye!!!" Pagch-cheer nila sakin. Ngumiti ako at nag fist-high.
Aja. Kaya ko to!
Pumunta na kaming mga manlalaro ng volleyball sa court. Nag-explain muna ng rules ang referee. Pero hindi na ako nakikinig tinitingnan ko ang mga lalaki. Paano ba naman, yung mga kalaban namin, kampanteng kampante. Tss. Palibhasa kasi mga lalaki sila, angat sila saming mga babae kasi mas malalakas sila kesa samin. Putek. Mamaya maging bentahe nga nila yun.

BINABASA MO ANG
Bangtan Clash
FanfictionWhen Bulletproof Boys collide with Bulletproof Girls. A story about hormone war. WARNING: This contains explicit "kalokohan" scenes that may not be suitable for minor readers.