"Sino ka nga ulit?"Sandaling natahimik si Cyrene. Kasabay nito ang unti-unting pagbalik lahat ng sakit na gawa ni Chanyeol. Para bang isang replay ang nangyayari ngayon sa kanya.
Samantala, napansin ni V kung paano nasaktan si Cyrene sa sinabi niya. As soon as he noticed the pain he caused her, he wanted to take back what he said. But the question is, how?
"I'm just... nobody," bulong ni Cye sabay lakad palayo.
Pinagmasdan ni V ang papalayong si Cyrene. Hikbi ito ng hikbi. T-angina Taehyung, anong ginawa mo?
"Aisht!" Singhal ni V sabay habol kay Cye.
"Cyrene sandali--"
"Ano ba?! Hindi mo ako kilala diba? Kaya tsupi! Alis! Hindi kita kailangan!" Ani ni Cyrene nang hablutin ni V ang kamay niya. Pilit siyang kumakawala mula sa kamay ni V pero wala, masyadong malakas ang binata laban sa kanya.
"Hindi kita maintindihan.." mahinang sabi ni V. Seryoso itong nakatingin sa kanya habang hawak-hawak parin ang kamay niya. "Kapag lumalapit ako sayo, tinataboy mo ko. Ngayon namang lumalayo na ako, hinahabol mo ako. Tapos kapag lumapit nanaman ako, tinataboy mo nanaman ako. Ano bang gusto mo? Hindi kita maintindihan."
Napahinto si Cye. "Bakit ba kasi kapag tinataboy kita, lumalayo ka? Hindi ba pwedeng magstay ka lang hanggang sa mapagod na akong itaboy ka?"
Napangisi si V. "Hindi talaga kita maintindihan..." sabay bitaw sa kamay ni Cyrene. Malungkot siyang ngumiti kay Cye sabay talikod.
"I like you.." amin ni Cyrene. "Kaso alam ko namang hindi ako ang gusto mo. Gusto kita kahit na alam kong bawal. Gusto kita kahit na alam kong magagalit ang mga kaibigan ko. Gusto kita kaya kita tinataboy palayo. Gusto kita kaya gusto ko akin ka lang. Gusto kita pero ang hirap." Ang lakas ng tibok ng puso ni Cyrene ngayon. "Gusto kita Kim freaking Taehyung! Ngayon naiintindihan mo na?!"
Natigilan si V. Para siyang binuhusan ng isang baldeng yelo't hindi siya makagalaw. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Cyrene.
Nang matauhan, naglakad siya pabalik kay Cyrene. Pinunasan niya ang basang mukha nito.
And he showed her his famous box-shaped smile, "Sabi ko na e, gusto mo ko."
***
"Hoy Ebang, di ka pa sasakay?" Tanong ni Danice. Nasa tabi sila ng highway, nag-aabang ng bus.
Gabi na at onti na lang ang tao sa kalsada, pero si Evangeline ay parang ayaw pang umuwi.
"Huuuy!"
"Beks, parang ayoko pang umuwi. Laboy muna tayo?" Sagot ni Evan kay Danice.
Sinamaan ng tingin ni Danice si Evan. "Laboy? Anong oras na 'to, laboy pa rin? Umuwi ka na. May pasok pa tayo bukas." Nakita ni Danice ang bus na sinasakyan ni Evangeline kaya pinara niya ito. "Sakay na dali!" Sabay tulak sa kaibigan.
"Aisht. Oo na nga. Uuwi na po," walang buhay na sabi ni Evan. Naglakad siya palapit sa nakahintong bus. Pero bago siya pumasok, lumingon muna siya kay Danice at nagpaalam.
Kumaway si Danice at pinagmasdang umandar ang bus sakay ang kaibigan. Pero di kalayuan sa pwesto niya, nakita niyang pinara ito ng isang pamilyar na lalaki at sumakay.
"OMG."
Sa sakayan ng mrt, nakapila si Danice. Inaantay niya ang pagdating ng tren. Doon siya sa may pinakadulo nakapila dahil mas kaunti ang tao. Ayaw niya ng siksikan at tulakan.
Suot ang green na earphone, pinatugtog niya ang paborito niyang kanta. A Wonderful Love.
Damang-dama na niya ang kanta ng may kumalabit sa kanya. Hindi niya pinansin ito dahil malamang may isang walang kwentang buhay ang walang magawa ngayon kung di ang mangalabit. Pero ng umulit pa ulit ang kalabit, nilingon na niya ito ng kanyang pamosong tingin.

BINABASA MO ANG
Bangtan Clash
FanfictionWhen Bulletproof Boys collide with Bulletproof Girls. A story about hormone war. WARNING: This contains explicit "kalokohan" scenes that may not be suitable for minor readers.