17th Clash

116 4 12
                                    

Sa Function Room, abalang naglilinis sina Cyrene, Danice, Jimin at V. Tahimik lang sila simula nang naparusahan sila. Well, sadyang tahimik lang naman talaga si Danice kaya walang bago. Kaya lang hindi na napigilan ni Cye ang bibig niya kaya lumapit siya kay Danice na abala sa pagpupunas ng mga upuan.

"Pst Danice," tawag ni Cye. Iniwan niya muna ang hawak na walis para makausap si Danice.

"Oh?"

"Sensya na kung nadamay ka pa. Ikaw naman kasi pinagtakpan mo pa kami," sabi ni Cye.

"Sus. Wala 'yon," sagot ni Danice.

"Talaga? Ayieee~" tapos ay nagpacute na si Cye sa kaibigan. "Love mo talaga ako 'no?"

Napangiwi naman si Danice. "Luh. Di rin." Nagpout lang si Cye. "Yuck Mehey, tigilan mo nga 'yan." Sabi ni Danice na natatawa. Binigay niya kay Cyrene ang basahan sa kamay nito. "Cr lang ako."

"Uy wait! Sama ako!"

Nasa cr silang dalawa ngayon. Si Danice ay naghuhugas ng kamay habang si Cyrene naman ay nakaupo sa sink.

"Danice, bakit magkasama kayo ni Jimin sa room?" Tanong nito. Kanina pa niya gustong itanong 'yan kaso di siya makatyempo. Kaya ngayong naitanong na niya, hindi na siya makapagintay sa isasagot ni Danice.

Napahagikgik si Cye nang medyo namula ang pisngi ni Danice.

"N-nag ano. Nag-ano kami sa room. Este ano kumain. Oo. Kumain ako sa kanya. Ay mali. Ganito-" natataranta si Danice. "Ay t-angina."

"Hahahahaha!" Humalakhak na si Cyrene.

"Leche Ate Mehey, wag kang tumawa," sita ni Danice pero walang narinig si Cye. Tawa parin siya ng tawa kaya winisikan siya ni Danice ng tubig.

"Ay shet!" Napatayo tuloy si Cye. "Hindi na ako tatawa haha promise."

"Tawa pa. Ibubuhos ko sayo 'tong tabo," banta ni Danice na may hawak nang tabo. Mukha namang effective kasi tumigil na sa pagtawa si Cyrene. Pero, saan galing yung tabo?

"Oh dali kwento ka na. Di na ako tatawa," sabi ni Cye sa kaibigan.

Kumuha ng tissue si Danice at nagpunas ng kamay. "Nako wag na Ate Mehey. Kela Jenny ko na lang k-kwento." Sabay ambang aalis.

"Ihhhh! Sakin mo na muna ikwento Ate Danice. Sige na~" pagpupumilit ni Cye. Hinabol niya si Danice hanggang sa mahawakan niya ang braso nito.

Tumingin sa kanya si Danice ng kanyang peymus na poker face at saka sinagot si Cye nang, "Ayaw."

Nagpatuloy na sa paglalakad si Danice at iniwan ang kaibigan. Hanggang sa mapahinto siya nang may sinabi si Cyrene sa kanya.

"Okay.. edi kay Jimin ko na lang itatano--"

"Sabi ko nga ik-kwento ko na sayo e." Pagputol ni Danice sabay hila kay Cye pabalik sa function room.

Nang nakabalik ang dalawa, nadatnan nila na masiglang nagm-mop ngayon si Jimin. May pa sipol sipol pa siya habang masayang inii-slide ang mop sa sahig.

"Hi!" Bati ni Jimin kay Danice nang mapansin niya sila. Sumilay ulit ang mapang-akit niyang ngiti. Mukhang nagpapacute pa ang mokong.

Brr~ napakamot na lang sa ulo si Jimin nang tiningnan lang siya ni Danice. Isang malamig na tingin nanaman ang binigay nito sa kanya.

Lagi na lang malamig ang binibigay nito sakin. Buti na lang lagi akong nag-iinit.

"Hihihi" napahagikgik nanaman si Cyrene sa tabi kaya nairapan siya ni Danice.

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon