13th Clash

151 4 1
                                    

Mabilis na nagsitakbo ang mga bida kung saan saan. Kaya nagkahiwa-hiwalay sila. May pumunta sa gawing kanan, may iba sa kaliwa, may iba ang bumaba, at may ibang nagtago...

CYRENE

T-angina naman. Saan ba ako pupunta? Pisti. Takbo lang ako ng takbo tapos nakapikit pa ako. O diba, isipin nyo kung paano ako nakatakbo habang nakapikit?

Sa sobrang pagod ko kakatakbo, huminto muna ako. Pero hindi parin ako dumidilat. Baka mamaya sinundan ako ng mumu~ pikit lang Cyrene, pikit ka lang.

"R-rose, n-nandyan ka pa ba?" Tawag ko sa pinsan ko. Kaso walang sumasagot. Hala!!

"R-rose naman eh!! Wag kang manakot~"

Kaso wala talagang sumasagot. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Yari talaga sakin itong pinsan ko kapag pinagloloko lang nya ako.

Madilim..

Wala akong maaninag! Huhu! Wala akong kasama! Paano na ako?

"Eomma~ eomma~" Napasinghap ako nang may marinig akong boses na umiiyak?

Oh my gash. Ganitong-ganito yung mga horror movies eh, yung bigla nalang may maririnig na umiiyak yung bida tapos pagnilapitan naman ng bida yung pinanggagalingan ng boses ay bigla naman sya nitong hahabulin! Nakoo! Waaah!

"Eomma~ hukhuk"

P-pero.. bakit pamilyar sakin yung boses na yun?

Omg baka naman may powers na ang mga multong manggaya ng boses ng ibang tao?

"Eomma~ taetae is afraid.. Where are you?"

Narinig ko nanamang umiiyak yung boses. May hinala na ako kung kanino galing ang boses na yun. And I need to confirm it with my own eyes. Go, aja Cye!

Pinailaw ko ang cellphone ko. At sabay akong nagdasal na sana walang biglang susulpot sa harap ko at manggugulat. Seryoso makakapatay ako!

Maliit lang ang mga hakbang ko habang hinahanap kung nasaan sya. Kaso wala na akong marinig na boses. Hindi kaya guni-guni ko lang iyon?

"M-may t-tao ba dyan?" Lakas-loob kong tanong. Humakbang pa ako hanggang sa mapansin kong nasa may hagdan na pala ako! Shet na malagket. Muntik pa akong mahulog!

"Eomma... huhu"

Malapit na. Na saan ka ba?

Inikot-ikot ko ang cellphone ko para malaman kung may tao ba malapit sakin.

"Eomma..."

Napasinghap ako nang may makita akong pigura ng tao doon sa may sulok. Umiiyak habang yakap-yakap nya ang mga tuhod nya.

Unti-unti akong lumapit sa kanya.

"Ba't ka umiiyak?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Tumigil sya sa pag-iyak sabay dahan-dahang inangat nya ang kanyang ulo.

P-uta. Kapag ito multo mapapatay ko 'to. Ay mali, patay na nga pala sila.

Tinapatan ko ng ilaw ang mukha nya. At tila isang slowmo ang nangyari. Unti-unti syang nag-angat ng tingin sakin. Siya nga. Tama ang hinala ko. Hindi ko maipaliwanag pero bakit ang bigat sa pakiramdam na makita syang ganito? Malayong-malayo sa palagi kong nakikita.

Sinong mag-aakala na ang lalaking palaging nakatawa ay magiging ganito katakot? Basang basa ng luha ang mukha nya. Halos manginig na ang bibig nya sa takot.

Oh my god. I've never seen him like this...

"V..?" I whispered. I don't know how but I just found myself kneeling in front of him. Is it because of good will? Or pity? Pero kailan pa ako naging santa?

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon