7th Clash

167 4 6
                                    

"Kyaaaaaah!~" umalingawngaw ang tili ng mga babae sa loob ng banyo ng Bangtan High.

Agad nagkagulo ang mga ito at nagsisisigaw.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Evan. Biglang tumahimik ang mga ito nang dumating ang mga leader nila.

"M-may lal-lalaki dito," utal na sagot ng isang babae sa kanila.

"Ha? Na saan?" Cye

"Umalis na agad"

Biglang tumakbo si Jenny palabas ng cr para habulin ang pangahas na lalaking pumasok sa teritoryo nila. Mabilis naman syang sinundan nila Danice.

"Beks waiiiittt!" Sigaw ni Evan nang muntikan nang tumapak si Jenny sa linya.

"Tsk. Sino kayang sira ulo yon?" Inis na tanong ni Jenny. Isa-isa nyang tinitigan ang mga lalaking nasa quad ng Bangtan High.

Pinagtitinginan na sila ng mga Bangtan Boys.

"Hoy! Kung sino man sa inyo ang sira ulong tumapak sa teritoryo namin at sa cr pa, aba huwag kang papahuli. Malilintikan ka samin!" Sigaw ni Jenny.

"Oo nga! Bakla siguro 'yon!" Cye

"Humanda kayo samin pag nahuli namin kayo!" Evan

"Ayan tayo eh, mahilig tayong gumawa ng eksena e. Tsk tsk," sagot ng isa sa Bangtan Boys. Nakasuot ito ng kulay pink na salamin.

Nagusot ang mukha nila Rose nang makita kung sino ang sumagot sa kanila. Si Barbo Hwang. Ang isa sa kina-iinisan nila sunod sa leader ng Bangtan Boys.

"Hoy, hindi ka namin kausap," sabat ni Evan sabay irap.

"Umalis ka nga sa harapan namin. Saka diba sabi mo lilipat ka na uli ng school?" Mataray na tanong ni Danice.

Umirap ang kausap nito. "Hay nako. Paano ako lilipat kung feeling ko kailangan ako ng Bangtan High."

"Pigilan nyo ko beks, sasabunutan ko ang kilay nitong baklang 'to," bulong ni Evan sa kaibigan.

"Nako Evan, tulak pa kita gusto mo?" Sagot ni Rose.

"Letche. Ako na bahala sa kabilang kilay nya mga bakla," dagdag pa ni Cye.

"Barbs!" Tawag ni JHope kay Barbo. Agad naman lumingon ito sabay kaway.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong sa kanya ni JHope nang makalapit ito sa kanya.

Hinawi ni Barbs ang bangs nya bago sumagot. "Paano ba naman may iba DYAN na mahilig gumawa ng kwento. May isa raw sa Bangtan Boys ang pumasok sa teritoryo NILA!?"

"Ows? Sino?" JHope.

Nagkibit balikat lang si Barbs. Hanggang sa bumilog ang mga mata nito nang makita kung sino ang papalapit sa kanila.

"Oyy Kabayo, lika na!" Sabi ni Jimin. Nakasabit ang polo nito sa balikat. Bakat na bakat tuloy sa sando nito ang anim nyang pandesal sa tyan.

"Sheeeet abs~" +Q+ naglalaway na si Evan. Dagdag pa na medyo pawis si Jimin gawa ng may practice ang mga ito ng sayaw.

Kumislap ang mata ni Barbs. At mabilis na lumapit kay Jimin at sa abs nito.

"Hi Jiminnie~" pabebeng bati nya sabay yakap. Hindi nakatakas sa mga mata ni Danice, Evan, Cyrene, Rose, at Jenny ang pagdampi ng kamay ni Barbs sa tyan ni Jimin.

"Eeew~"

"Oh hi Barbo!" Tugon ni Jimin.

"Tara na, baka masuka pa tayo," sabi ni Jenny sabay hila kela Danice at Evan. Agad naman sumunod sina Cye at Rose sa kanila hanggang sa mapadpad sila sa kanilang tambayan.

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon