Flashback: EXO pt.2

126 3 12
                                    


Madaling araw ng Sabado, maagang gumising sina Cyrene, Danice, Evan at Jenny para maligo. Anumang oras kasi ay darating na ang sundo nila.

"Mauna na ako maligo," sabi ni Jenny sabay pasok sa banyo.

Nasa bahay silang apat nila Evan ngayon, nag-overnight kasi nga maaga ang usapan nila nina Chanyeol, Baekhyun, Suho at Sehun.

"Text nyo nga si Rose baka gusto humabol," sabi ni Evan habang nagi-init ng tubig.

"Nako friend, tulog pa 'yon. Saka ayaw niya talagang sumama," sagot ni Cyrene habang nag-iinat.

"Bakit naman?" Tanong ni Danice.

"Nako, ampalaya lang 'yon. Palibhasa walang boyfriend hahaha!" Ani ni Evan.

"Bad mo," Danice.

Ngumiti lang ng pabebe si Evan kaya binato siya ni Danice ng napkin. Ayun, sapul sa mukha.

"Yaaakkk!" Evan

"OA? Hindi pa naman gamit hahaha!!"

Ngumiwi si Evan, "Kahit na." Sabay pout

Natawa na lang si Danice sa asta ni Evan. Kaya niyakap na lang niya 'to.

"Oy ang kadirdir nyo ah?" Kumento ni Cye na nagtitimpla na ng kape.

"Sus! At least kami babae, walang malisya. Pero yung sa inyo ni Chanyeol, iba! HAhaha!" Banat ni Evan.

"Hooy! Hindi ahhh!" Tanggi ni Cyrene na namumula na ang mukha. "K-kayo kaya dyan ni Suho!" Akmang babatuhin ni Cye si Evan ng kutsara nang biglang lumabas si Jenny sa banyo.

"Okay, ako na next!" Mabilis na pumasok si Evan sa banyo at naligo.

Habang naliligo si Evan, nagkwentuhan muna ang tatlo. Sina Cyrene at Danice ay umiinom ng kape habang si Jenny naman ay naghahanap ng iced tea sa groceries nila Evan.

"Huy Jenny, ano yan?" Sita ni Danice.

"Naghahanap ako ng iced tea. Sana meron."

"Ang aga-aga, iced tea? Baka mabutas bituka mo niyan friend," Cye

"Ayunnnn!" Bumilog ang mata ni Jenny nang nakakita siya ng isang pakete ng iced tea. Agad siyang kumuha ng pitsel na may tubig at tinimpla 'to. "Butas agad Ate Mehey?"

Natutuwang pinanood nila Danice si Jenny habang umiinom siya ng iced tea. Para kasing bata itong si Jenny kapag umiinom niyan. Palibhasa paborito niya. Hindi nga 'yan nakakatagal ng isang araw na hindi siya nakakainom ng iced tea. Pakiramdam niya, may kulang.

"Jenny, yung totoo. Boyfriend mo na ba si Sehun?" Tanong ni Cyrene.

Napahinto naman sa pag-inom ng iced tea si Jenny. At hindi agad siya nakasagot sa kaibigan. Inilapag niya ang baso bago ngumiti ng pilit kela Danice. "Bakit mo naman natanong 'yan?"

"Wala, naguguluhan lang kami sa status niyong dalawa." Paliwanag ni Cye. "So, kayo na nga?"

Hinintay nilang dalawa ang sagot ni Jenny pero halos minuto na ang lumipas, di pa rin siya sumasagot. Kaya siniko na lang ni Danice si Cyrene para tumigil.

"I'm done. Sino na next?" Biglang sulpot ni Evan.

Agad namang tumayo si Cye at pumunta sa banyo. Habang si Evan naman ay umakyat sa kwarto niya at nagbihis.

"M.U ba?" Tanong ni Danice kay Jenny nang tumabi sa kanya ito.

Ngumiti ng mapait si Jenny. "M.U? Pwede bang M.M.U na lang?" Sagot ni Jenny.

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon