20th Clash

105 4 2
                                    


Ilang minuto pa bago tumunog ang bell, kumpleto na ang dalawang grupo. Sila Danice ay tahimik lang na nagbabasa ng reviewer nila habang sina Rapmon naman ay busy sa pagk-kwentuhan. Ang mga lalaki ay parang walang inaalalang long quiz kay Sir Bae ngayon dahil imbes na mag-aral, puro kalokohan lang ang ginagawa nila.

"Oy alien," tawag ni Jimin kay V na nakatulala. Nilingon siya ni V pero tinaasan lang siya nito ng kilay.

Anong problema nito? Takang tanong ni Jimin. Sinipa niya ang binti ni V. "Mangongolekta ka pa ng p15.00. Tulala ka diyan?"

"Ay oo nga V!" Naalala din ni JHope.

"Ay t-angene men~" napatingin sila kay Suga. Napakamot siya sa ulo na parang bwisit na bwisit. "Nakalimutan ko may quiz pala tayo ngayon!"

"Ayon! Nakalimutan mong magreview hyung ano? Hahaha!" Sabat ni Jimin.

Ngumiwi si Suga. "Nakalimutan kong magdala ng pera. Rapmon, libre mo nga ako."

"G-ago Suga, KKB tayo." Sagot sa kanya ni Rapmon.

"Osige KKB pala ah? Mamaya sa quiz, kanya-kanya. Walang tulungan. Wag kayong kokopya sakin." Sabi pa ni Suga.

"Sus hyung. Ano namang kokopyahin namin sayo?" Tanong ni Jungkook.

"Eh ano pa? Pangalan lang! Ayun lang naman ang isusulat niya sa test mamaya e hahaha!" Banat ni jHope.

Nalukot ang mukha ni Suga lalo na nang pagtawanan siya ng mga kaibigan. "JHope, you're very no fun." Panggagaya niya sa linya ni JHope.

"Hep magbayad na kayo kay V. Ang iingay niyo," suway sa kanila ni Jin sabay abot ng pera. Pagkatapos, nagpatuloy na siya sa pagbabasa. Inayos niya ang salamin niya at umaktong para talaga siyang nag-aaral.

"Hoy magbayad na kayo," sabi ni V. Si Jin pa lang ang nagbabayad sa kanya.

"Dun ka muna sa mga babae maningil. Mamaya na kami," sabi ni Rapmon.

Napailing na lang si V at lumapit sa kabilang grupo. "Aisht."

Pero bago pa siya makalapit, may isang braso ang umakbay sa kanya. Nang nilingon niya kung sino, isang nakangising si Jungkook pala.

"Bakit?" Tanong ni V.

"Ha?"

"Bakit ka nakaakbay? Nababading ka na ba sakin?"

"Sira. Sasamahan lang kita maningil." Sagot ni Jungkook.

Sinamaan siya ng tingin ni V. "At bakit?" Tapos ay napunta sa mga babae ang tingin ni V sabay balik kay Jungkook. "Wag mong sabihing may crush ka sa kanila?"

Wag naman sana siya, Jungkook. Iba na lang.

Natawa si Jungkook sabay iling. "Ako hyung? Asa naman. Hindi sila ang tipo kong babae. Si IU noona lang ang gusto ko." Pagdadahilan nito.

Ngumiwi si V at hinayaan na lang ang bunso nila.

"Bayad niyo?" Bungad ni V sa mga babae. Nasa tabi niya si Jungkook.

"Ay oo nga pala. Wait lang -- Mehey, may barya ka sa 50?" Ani ni Evan. Tinawag niya si Cyrene na nasa tabi niya, busy ito sa pag-babasa ng reviewer niyang nasa yellow pad na hinati sa dalawang column.

"Wait lang be," sagot ni Cye sabay kuha sa wallet niya. "20 lang barya ko eh." Tapos ay napunta ang tingin niya kay V. Pero si V ay sa iba nakatingin.

"Ay ganun? Kayo beks may barya kayo?" Tanong ni Evan sa mga kaibigang nasa likod niya.

"Saktong 15 lang pera namin ni Danice," sagot ni Jenny. Sabay bigay ng pera kay Evan.

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon