JENNY's POV
"Shit. Ayaw bumukas," sabi ko habang pilit kong pinipihit ang doorknob. Kinakabahan ako. Ayoko namang matrap dito sa lumang silid na 'to kasama ang pitong kumag na 'yun.
Napaitlag ako nang may bigla akong maramdamang kuryente sa kamay ko. Kasabay nun ay ang pagdating ng isang pamilyar na amoy. At laking gulat ko nang nasa tabi ko na agad ang lalaking puro ilong ang mukha. Pero gwapo. Na si Jungkook.
Teka, wala akong sinabing gwapo.
"Nalock-an tayo," saad pa nya. Tapos ay narinig ko na lang ang mga kaibigan kong nagsisisigaw. Okay, medyo praning talaga ang mga 'yan.
Unang lumapit sakin ang nagh-hysterical na si Evan. Naki-pihit din sya. Kita mo to, sinabi na ngang ayaw bumukas e.
"OMG! NALOCKAN TALAGA TAYO!! HELLLLP!" sigaw nya sabay kalampag sa pinto.
"Evan, baka masira yang pinto," awat ko.
"SISIRAIN KO TALAGA TO BEKS KAPAG HINDI BUMUKAS!"
"Wag mong gawin yan," sagot ni Jungkook na nasa tabi ko.
"BAKIT HA ABER? GUSTO MO BA MALOCKAN DITO?"
Bahagyang nagtakip ng tenga si Jungkook. "Aisht. Don't shout okay? Kabingi.. Pag nasira yang pinto baka akalain ni Director Choi na nag-away tayo."
Ay. May point din si ilong.
Napahinto si Evan sa sinabi ni Jungkook.
"Okay. Edi gawin mo ilabas mo yang ilong mo tapos suminghot ka ng kung sinong tao dyan sa labas para matulungan tayo. Tara na nga Jenny, baka masinghot pa tayo ng ilong nya," mataray na sagot ni Evan kay Jungkook tapos ay hinablot nya ang kamay ko.
"Ang hard mo sa kanya Evan," sabi ko nang nakaupo na kami. Tapos ay binalikan ko ng tingin si Jungkook na ngayon ay umupo na sa tabi ni V. Nagbulungan sila tapos ay tumingin si Jungkook kay Evan. Parang papatay si Jungkook.
"Hala ka beb, mukhang ginalit mo si Jungkook," bulong ni Cye.
Pero umirap lang si Evan. "Nako. Wapakels. Ang epal kasi. Alangan namang wala tayong gawin dito?" Depensa nya.
"Eh anong gagawin natin ngayon?" Tanong ni Rose samin.
"Itext natin yung mga kaklase natin na nalockan tayo dito. Para masabi nila yun kay Mr. Ferdero," suggest ni Danice.
Tumango kaming lahat. Tinext namin lahat ng pwede naming matext. Kaso..
"Ay shemay. Check op ako," sabi ko. Wala nga pala akong load. =______=
"Ay ako din!" Cye
"Ikaw Danice?"
"Lowbatt ako," sagot nya sabay pakita ng phone nya.
"Rose? Evan?"
"Langya. Walang signal!" Evan. Itinaas nya ang phone nya para maghagilap ng signal.
"Ano ba namang classroom 'to?" Singhal ni Rose. Mukhang wala rin syang signal.
Nagkatinginan kaming apat. Kayo na bahala kung paano namin nagawa yun. Hahaha!
"Magaala-singko na mga teh," sabi ni Rose.
Tama si Rose. Magaala-singko na nga. Ibig sabihin, uwian na. Paano na kami nito? Di bale sana kung may dumadaang tao rito sa classroom namin e. Kaso kahit yata janitor hindi.
Ayokong magstay dito ng magdamag lalo na't kasama namin ang pitong ugok.
"Baka hanapin na ako samin," nagaalala na si Danice.
![](https://img.wattpad.com/cover/28950752-288-k796752.jpg)
BINABASA MO ANG
Bangtan Clash
FanfictionWhen Bulletproof Boys collide with Bulletproof Girls. A story about hormone war. WARNING: This contains explicit "kalokohan" scenes that may not be suitable for minor readers.