2nd Clash

272 8 5
                                    

The Bangtan Boys and Girls

*kring kring kring~

Tumunog na ang bell sa Bangtan High. Hudyat na magsisimula na ang flag ceremony. Mabilis na naglakad ang mga estudyante papunta sa quad na nasa gitna ng school- ito lang ang tanging lugar sa paaralan kung saan pwedeng maglapit ang mga lalaki at babae. Dito ginaganap ang announcements ng school.

Humilera ang mga babae sa gawing kanan. Nakasuot sila ng red and black checkered na palda, white long sleeves at navy blue blazer. Nakaburda ang armor shield sa kaliwang bahagi ng blazer- simbolo ito ng Bangtan High.

"Na saan na kaya ang mga 'yon?" Naiinip na isip ni Danice na syang nakapila sa harapan ng pila kung saan doon din kapwa nakapila ang apat pa nyang kaibigan na hanggang ngayon ay wala pa.


Sumilip sya sa kanyang relo at bumuntong-hininga. "Kailan kaya magbabago ang mga 'yon? Late nanaman sila."

Sa inip ni Danice, nilibot muna nya ang kanyang paningin sa kabilang bahagi ng quad. Kung saan nakapila ang mga lalaki. Pero laking gulat nya nang makitang wala pa kahit isa sa pila ang mga pinuno nila.

Napalingon si Danice sa kanyang likuran nang marinig nya ang bulung-bulungan ng mga babae. At nahawi sa gitna ang mga ito para bigyang daan ang tatlo: sina Jenny, Cyrene, at Rose. Pacool silang naglalakad sa gitna.

"Ang aga nyo ha?" Bungad ni Danice sa tatlo.

"Ooops sorry. Na-traffic ako hehe," palusot ni Jenny sabay ngiti.


"Eto kasing si Rose eh ang tagal kumain. Iiwanan ko na dapat 'yan eh," reklamo naman ni Cyrene sa pinsan nyang si Rose na busy sa pagkain ng binaon nyang pandesal na may palamang keso.

"Eeh naman! Ang tagal mo kayang magbihis. Palibhasa busy ka dyan sa cellphone mo. Status ka ng status sa facebook," sagot naman ni Rose sabay kagat ng pandesal.

"Bakit may reklamo ka?!" Sagot naman ni Cyrene gamit ang kanyang matinis na boses.


Nagtakip ng tenga sina Danice at Jenny dahil sa matinis na sigaw ni Cyrene.

"I-tag mo kasi ako minsan!" Angal ni Rose habang punung-puno ang bibig ng pagkain.

"Ay ganun ba? Ahaha! Sige sige mamaya." Cyrene.

"Alam mo Cye, talo mo pa si Regine Velasquez sa tinis ng boses mo. Try mo babaan minsan," biro ni Jenny na syang nagpatawa kela Danice at Rose.


"Sabihin mo nga 'Bet ng Bayan!'" Hirit ni Danice

"Oo nga!!" Rose.


"Tseeee!" Cye.

"Ahahahaha!" Nagtawanan silang apat.


"Teka si Evan saan?" Tanong ni Jenny.


"As usual late 'yun," sagot ni Cyrene habang hawak-hawak ang cellphone.


"Guysssss!~" napalingon lahat ng sumigaw si Evangeline- mistulan itong bata habang tumatakbo papalapit sa mga kaibigan.

"Sorry late. Ang traffic sa Edsa," sabi ni Evangeline.


"Nako alam mo naman na traffic sa Edsa dun ka pa lagi dumadaan," Danice

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon