Flashback: EXO

92 1 1
                                    

EXO Special

"Oy soccer tayo after natin dito!" Anyaya ni Kai sa mga kaibigan. Nakasandig sya sa may pintuan ng kanilang sariling practice room.

"Call! Tagal na nating di naglalaro," sang-ayon ni Xiumin.

"Sige sige. Game ako dyan," dagdag pa ni Tao na nilalaro ang bola ng soccer habang nakaupo.

"Ikaw Suho hyung?" Tanong ni Kai.

Napatigil naman sa pagt-text si Suho para sagutin si Kai. "Hindi ako sure. May date kami ni Evan." Sabay tipa ulit.

"Utot mo hyung! Masyado ka namang inlove dyan," ani ni Kai.

"Totoo ba 'yan hyung? O playtime lang?" Usig ni Tao.

Sinend muna ni Suho ang text nya kay Evan bago sumagot. "Ako pa ba ang dapat tinatanong mo nyan Tao?" Tapos ay umiling sya habang natatawa.

Takang-taka naman sina Kai at Tao sa asal ni Suho. Kaya nagkibit-balikat na lang ang dalawa.

"Guys may good news ako!" Biglang lumitaw si Lay. May hawak-hawak syang papel.

Natuon naman ang atensyon sa kanya. "Natuwa ang board sa Wolf natin! Pag-uusapan nila kung isasali 'yun sa district contest!"

"Yessss!"

"Magandang balita yan Lay! Mabuti pa gawan nyo na ng choreo yan," sabi ni Suho.

Tumango si Lay at binalingan sina Kai at Sehun. "Mamaya, ano?"

Nag-apir naman sina Kai at Sehun.

"Edi wala nang soccer game mamaya?" Tanong ni Suho.

Napangiwi si Kai. "Ikaw talaga hyung, minsan naiisip ko na mas mahal mo pa yang girlfriend mo kesa samin."

"Oo nga!" Sang-ayon nina Tao.

"Ano ba kayo, hindi ganun 'yon. Hahaha!" At natatawa nanaman si Suho.

"Ganyan ba kapag inlove ha, Lay hyung?" Tanong ni Kai.

Kibit-balikat na lang si Lay.

Nag-usap usap muna sila at pilit nilang inaasar si Suho dahil mukhang masaya ang binata ngayong araw na 'to. At sa sobrang saya nya nga, binigay nya ang gold card nya kay Kyungsoo para bumili ng makakain nila.

"Ano bang meron Suho?" Tanong ni Xiumin. Umiling-iling lang siya.

"Pwede ko bang papalitan yung lyrics ng Wolf?" Biglang tanong ni Sehun. Napatingin naman sa kanya ang lahat.

"Bakit?" Lay

Ngumisi si Sehun. "May mas maganda akong naiisip." Tapos ay tumayo sya at tumikhim. "Gurae wolf, naega wolf, awoo~ ah saranghaeyo, height ni Junmyeon pang-minion"

"Fuck you!" Sigaw ni Suho sabay bato ng notebook nya kay Sehun na ngayon ay tawang-tawa.

"Hahahaha!" Nagtawanan lahat. "Benta yan Sehun! Palitan natin! Hahaha!" Tawang-tawa si Kai. Tapos ay inulit pa nya ang kantang pang-asar kay Suho.

"Sumbong kita kay Jenny dyan eh," binantaan ni Suho si Sehun.

Pigil tawa naman si Sehun. "Hahaha. Hindi na hyung, tigil na ko. Promise. Pfft~"

Makalipas ang ilang minuto, dumating na si Kyungsoo kasama sina Luhan, Kris at Chen. Bitbit nila ang pagkaing inorder nila. Umorder sila ng pizza, pasta, burger, at kung ano-ano pa. Sakto namang dumating sina Chanyeol at Baekhyun.

"Guys, may joke daw si Chen." Sabi ni Xiumin sabay kagat sa pizza.

"May gusto bang marinig ang joke nya guys?" Sehun.

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon