19th Clash

132 3 0
                                    

UMAGA, kasalukuyang nagkaklase si Sir Bae ngayon tungkol sa mga tamang paggamit at pag-alaga ng boses. Pero kanina pa niya nararamdaman na may kakaiba sa mga estudyante niyang babae ngayon. Kanina pa sila walang imik o kibo kahit na nagtatanong na siya. Kahit nga ang mga lalaki ay naguguluhan din sa kinikilos ng mga babae ngayong araw na 'to.

Sumapit ang lunch time at nagpunta na sila sa cafeteria para kumain.

"Himala, ang tatahimik nila ngayon," sabi ni Rapmon sabay nguso sa kabila.

Kung dati rati, napupuno ng tsikahan, tawanan at hampasan ang table nila Danice sa tuwing vacant, katahimikan lang ang meron ngayon.

"Oo nga e. Parang sinapian ni Maria Clara si Ebs," sagot ni JHope sabay tingin kay Evangeline.

Napangiwi si Suga. "Ebs? Ano yan tae?"

"No no no! Ebs ang tawag ko na sa kanya para sweet hahaha!" Proud na sabi ni JHope.

"Ba't di na lang Ebanghelyo para banal?" Sabat naman ni V na kumakain ng burger.

Nanlaki ang mata ni JHope. "Woah! Woah! Oo nga V! Galing mo! Tapos I am your hope, J-Hope!"

Sa sobrang tuwa ni JHope, napatayo siya sa upuan niya at nagsasasayaw. Napatingin tuloy sa kanya sina Evan.

"Aisht ang ingay mo kabayo. Umupo ka na nga!" Inis na sabi ni Suga at hinila niya paupo si JHope.

"Nah Suga hyung, you're very no fun." Ani ni JHope. "Very very no fun." Tapos ay tumingin ulit siya kay Evan at sumigaw, "Hi Ebs!!"

Inihanda na ni JHope ang tenga niya sa isang napakatamis na murang matatanggap niya kay Evangeline pero tahimik na tumayo lang si Evan at umalis.

"Huh? What happens to my Ebs?" Takang tanong ni JHope.

"G-ago, kita mong badtrip tas ginalit mo pa lalo," tugon ni Suga.

"Ang weird nila ngayon ah." Kumento ni Jimin sabay sulyap kay Danice. Napabuntong-hininga na lang siya nang makitang halos hindi ginalaw ni Danice ang pagkain nito.

"Baka may PMS sila?" Ani ni Rapmon.

"PMS? Ano yun sa sobrang close nila, pati dalaw nila sabay din?" Pangbabara ni Jin.

"Kpayn." Rapmon

"Hahahaha nice one Jin hyung!" Sabi ni Jungkook sabay apir kay Jin.

"Ay pati pala babae may dalaw din? Akala ko si Jungkook lang," sabi ni V.

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" Takang tanong ni Jungkook.

Ngumiwi si V. "Diba dati? May dalaw ka, sino ba yun? ... Ah! Si Barbuwang!"

Napapoker face na lang ang maknae nila. Tss Alien.

"Sino naman ang mga dalaw nila? At bakit naman sila malungkot kapag may dalaw sila? Diba dapat masaya sila? Ako nga wala pang dalaw e." Naguguluhang tanong ni V. Tapos ay napadako ang mata niya kay Cyrene na nakapangalumbaba. ".. at sino ang dalaw ni Cyrene?"

Tuluyan nang nalunod si V sa kakatitig kay Cye. Kung hindi masaya si Cyrene sa dalaw niya, siguro bilang kaibigan niya, dapat patigilin ko ang dalaw na yan.

Sa rooftop napiling pumunta ni Evan. Nagpaalam siya sa mga kaibigan niya na magc-cr lang siya pero ang totoo niyan, gusto lang niya talagang mapag-isa. At dito sa rooftop siya pinadpad ng mga paa niya.

Lumapit si Evan sa may railings at pinagmasdan ang kabuuan ng Bangtan High. May isang lugar na nagkukumpulan ang mga babae habang ang kabila naman ay puro lalaki. Nakakatawa ngang isipin na sa liit ng Bangtan High, watak-watak naman ang mga estudyante nito.

Bangtan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon