The Flashback: The Teardrops on My GuitarSome people say, we are the songwriter of our own song. We choose the right melody, the right tone, and the right music. But in order for us to write the perfect song, we have to wait for someone who will co-write the lyrics with us-the right one.
"Galingan mo mamaya Ate Mehey ah?" Pangchi-cheer ng mga kaibigan ko na nasa laptop screen ko.Tiningnan ko sila habang pinupusod ko ang mahaba kong buhok. Kailangan ko na sigurong magpagupit. Masyado na akong naiinitan. Summer na kasi, kaya medyo redundant na-ang hot ko na nga tapos mainit pa ang panahon. Kawawa naman ako diba?
"Haba na ng hair mo," kumento ni Jenny. Kumakain silang tatlo nila Evan at Danice ng pringles. Emeged. Naiinggit ako. Gusto ko rin ng pringles!
"Magpapagupit na ako. Oyy mga bakla kanino galing 'yan? Pahingi kami ni Rose dito!" Sagot ko.
"Hahaha mainggit ka beb. Bleeeh!" Asar pa ni Evan. Kita mo 'to lakas mang-asar! Siguro galing yan sa manliligaw niyang anak mayaman. Nako swerte.
"Kay Suho baby mo galing 'yan ano?" Tanong ko. Pero nagsmile lang siya. "Teka, ano nga palang ginagawa niyo dyan sa bahay ni Evan?"
"Wala manonood kami ng fifty shades dito. Ire-replay namin hanggang sa magsawa kami charrr hahaha!" Napanganga ako sa sagot ni Danice.
"Hoy Danice bakit kayo manonood ng fsog ng wala ako? Ano F.O. na?"
Sabay-sabay silang tumawa. Okay.
"Gaga hindi. Binibiro ka lang ni Danice hahaha!" Evan
Sinamaan ko ng tingin si Danice pero nagpeace sign lang siya. Kita mo 'to, akala ko nung first day masungit o kaya di nagsasalita pero madaldal pala.
"Diba may laro kayo ngayon? Ic-cheer ka namin mamaya. Gagawa lang kami ng malaking banner dito tapos pupunta na kami diyan." Sagot ni Jenny.
Malaking banner? Ayieeee. "Talaga?"
"Boom. Nag-expect. Nag-assume. Hahaha!" Pang-aasar sakin ni Evan.
"Mga loko kayo. Osige na maga-out na ako. Magp-practice pa kami. Ba-bye!" Paalam ko sa kanila.
"Bye Ate Mehey~"
Nang matapos ang pagskype namin, agad akong dumiretso sa lugar ng pagp-praktisan namin.
"Mine!" Sigaw ko sabay hampas ng bola.
"Ang galing mo talaga Cyrene!" Ani nila ng naka-spike ako. Ngumiti lang ako at bumalik agad sa pwesto.
"Anong oras ba ang laro?" Tanong ko habang umiinom ng gatorade. Halos dalawang oras na kaming nagp-praktis.
"Second game daw tayo. Mga 7:30 siguro." Sagot ng ka-team ko.
"So ano, magkita-kita na lang tayo mamaya before 7:30 sa gym ah?" Sabi ng captain namin. Tumango ako. "Okay. See you. Goodluck satin."
Pagtapos, bumalik agad ako sa bahay at nagpahinga. Maaga pa naman kaya pwede munang magpetiks at matulog. Pero bago ako magsleepy'ng beauty, tinext ko muna ang pinsan kong si Rose, pati na ang mga kaibigan kong sina Evan, Jenny, at Danice na 7:30 ang laban ko. Baka mamaya kasi niyan agahan nila, mahirap na excited pa naman silang makita akong magvolleyball. Ganda ko raw e hahaha!
Humiga ako sa malambot kong kama at niyakap ang paborito kong unan. Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang noong nagkakilala kaming lima sa Bangtan High. Sino bang maga-akala na yung limang personalidad namin, magc-click? Well ganun talaga kapag magaganda, madaling magclick. Haha!
![](https://img.wattpad.com/cover/28950752-288-k796752.jpg)
BINABASA MO ANG
Bangtan Clash
FanfictionWhen Bulletproof Boys collide with Bulletproof Girls. A story about hormone war. WARNING: This contains explicit "kalokohan" scenes that may not be suitable for minor readers.