"In-add ako ni Suga. Kayo rin ba?" Tanong ni Evan sa mga kaibigan. Umaga, nasa labas sila ng classroom ngayon at inaantay nila ang kanilang prof na si Mr. Dong Baebae.
"Oo beb. In-accept nyo na?" Sagot ni Cye na hawak ang phone.
"Hindi ko pa ina-accept. Kayo ba?" Sagot ni Rose sabay kagat sa ham n cheese Kariman.
"Pag-inaccept nyo, a-accept ko rin," simpleng sagot ni Danice. Nakatuon ang mata nya kay Jimin na nasa loob at nakikipagharutan kay J-Hope at V.
"Hindi ko ia-accept." Sabi naman ni Jenny.
"Ay bakit?" Nalungkot si Evan.
"Hindi naman kami close. At isa pa, leader 'yan ng Bangtan Boys, remember?" PAliwanag ni Jenny.
"Eh bakit yung iba dyan? Kahit nga di nila kilala ina-accept nila. Saka I don't see anything wrong naman," dahilan ni Cyrene.
Tumango si Evan at sumang-ayon kay Cye.
"Edi i-accept nyo kung gusto nyo. Wala namang pilitan diba?" Sabat ni Danice.
"Basta kapag inaccept nyo, aaccept ko rin," Rose.
"Me too." Evan
"Yeah." Cye
"Eh, so ano nga?" Napakamot sa ulo si Danice. Ganito talaga sila minsan, depe-depende sa sagot ng mga kaibigan.
Halimbawa na lang kapag kakain sila, may magtatanong sa kanila na 'Ano kakainin nyo?' May sasagot naman na 'Ikaw ano sayo?' Tapos sasagutin naman ng 'Kung ano iyo, 'yun din akin.' Hanggang sa mapunta sa 'Kahit ano.'
"Hoy Cyrene Mehey, anong oras ka na pinauwi ni Sir Baebae?" Tanong ni Jenny nang nakaupo na sila sa loob. May nag-iikot kasi na mga school prefect, baka ma-isyuhan sila ng loitering kapag wala pa sila sa classroom.
"Natural po nagcommute," sagot ni Cye.
"Nako, ang lola mo nagawa pang magtaxi," sabat ni Rose na kumakain naman ngayon ng mangga't bagoong (ang aga aga)
"Eh wala kayang masakyan na jeep. Punuan 'noh noh?"
"Sosyal mo naman Mehey. Pataxi-taxi na lang ha? Hahaha," Evan. "Hoy Rose, pahingi nyan."
"Buti may nasakyan kang taxi, eh ang dalang ng ganun dito," makahulugang ani ni Danice tapos ay tinitigan niya si Cyrene na parang 'aminin-mo-na-look'
"Ha ha ha Ate Danice, tsambahan lang enebey," palusot pa niya tapos ay tinapunan nya ng tingin si V na ngayon ay natutulog sa arm rest.
Hindi na lang nagsalita pa si Danice. Ganyan kasi siya, mas pinipili na lang niyang manahimik. Like silence is her favorite choice of melody, she found harmony. Nilabas na lang niya ang kanyang green spiral notebook na may picture ni kero —ang berdeng palaka, at nagdoodle.
"Omg. Nagtext sakin si Sir Bae," sabi ni Cye. "Mal-late daw siya ng dating. May inaasikaso pa raw siya."
"Ay totoo?" Tanong ni Evan na di makapaniwala.
"Ay hindi. Joke lang 'to," pamimilosopo ni Cye. "Syempre totoo. Anong akala mo sakin friend?"
"Tara kain muna tayo?" Aya ni Rose. Pumayag naman sila maliban kay Danice.
"Hindi ako gutom. Kayo na lang," dahilan niya.
"Ay bakit?" Evan.
Umiling lang si Danice sabay ngiti. "Busog pa ako. Kayo na lang nga."
"Sigurado ka?" Tanong ni Jenny. Tumango uli si Danice. Kaya umalis na sila Rose papuntang canteen. Naiwan siya sa upuan at nagsimulang magdoodle.
Samantala, ang Bangtan Boys naman ay naguguluhan kung bakit umalis ang mga babae. Hindi sila sigurado kung wala ba yung prof nila o baka nagcr lang. Wala namang kayang maglakas ng loob para magtanong kay Danice. Ang hirap niya kasing istorbohin. Para siyang isang tipak na yelo sa north pole, mahirap hawakan, mahirap basagin.

BINABASA MO ANG
Bangtan Clash
FanfictionWhen Bulletproof Boys collide with Bulletproof Girls. A story about hormone war. WARNING: This contains explicit "kalokohan" scenes that may not be suitable for minor readers.