Chapter 13 PALAWAN PART 3

563 45 26
                                    

MAGKAHAWAK ANG KAMAY namin habang naglalakad sa may dalampasigan. Ang malakas na hanging tumatama sa mukha ko at ang paghangin nito sa hanggang balikat kong buhok.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari.

'Napakabilis ng lahat...'

Maraming nagbago sa 'kin at ramdam ko iyon. Higit sa lahat ay ang pagbabago ng nararamdaman ko. Naglalakad lang kami pero tila naman kay layo-layo nang tinakbo nang puso ko sa sobrang bilis ng tibok niyon.

Napaangat ang tingin ko sa lalaking hawak ang kamay ko nang pisilin niya iyon. Ngumiti siya sa 'kin. Mga ngiting nagpapalala lang ng kabog ng dibdib ko.

"Beautiful..." aniya habang nakatitig lang ang mata sa mukha ko, napangiti ako. Ngiting nang-aasar.

"Patay na patay ka talaga sa 'kin ano?" ngisi ko rito at nag-iwas na nang tingin. Napahinto na rin kami sa paglalakad.

"Mmm.." walang kagatol-gatol na sagot niya, mahina naman akong natawa saka napasuklay sa buhok gamit ang isa ko pang kamay. "What's funny?"

"Natatawa lang ako... masyado kang makapit kase." sabi ko saka muling natawa. Simula nang tinugon ko ang halik niya ay napaka-clingy na nang Boss ko sa 'kin.

Hilig niya ng hawakan ang kamay ko at akbayan ako. Iritado man ay hindi ako pumapalag dahil gusto ko rin naman.

Napangiti ako sa naisip saka ninamnam ang paghampas ng hangin sa mukha ko. Nakatunghay ako sa napakalinaw na asul na dagat. Napakaganda...

Napabuntong-hininga ako nang muli kong maalala ang huling pagkakataong pumunta kami rito. Kung saan ang masayang selebrasyon sana namin ay nauwi sa pinakamasakit na parte ng buhay naming magkakapatid.

Ang pagkawala nila mama..

Seryoso lang akong nakatingin sa dagat nang matakpan iyon ng bulto niya. Nagsalubong ang kilay ko.

"Bakit malungkot ka?" nagtataka ang kulay lupa niyang mata.

"Humarang ka kase, ang ganda-ganda na nang pagtingin ko sa dagat-humarang ka naman.." maangas na sabi ko rito saka siya pinalo sa braso, pinapaalis.

"You don't need to hit me!" natawa naman ako sa lukot na mukha nito.

'Arte..'

Hindi naman ganon kalakas ang palo ko ah? Ang laking tao pero mahina.. Tsk.. Tsk...

"What are you thinking woman?" nakangiwing tanong nito.

"Mahal mo 'ko diba?" kusang lumabas na lang sa bibig ko ang mga salitang iyan, natutop naman siya sa kinatatayuan niya dahil sa tanong ko.

"Mahal na mahal kita Avie... Kahit ilang beses ko pang sabihin at ipagsigawan sa mundo na mahal kita ay hinding-hindi ako magsasawa."

(--,) 'Patay na patay na nga 'to sa 'kin'

Kusang gumihit ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko magawang tignan ang mata nitong tila gustong sumanib na sa 'kin dahil sa paraan ng pagkakatitig niya.

"Paano si Howell?" napangiwi ako sa sarili kong tanong. Ayokong banggitin ang pangalan niya, nababanas ako.

Ilang minutong natahimik ito. Hindi ko narinig na sumagot siya. Hindi ko rin naman makita kung anong reaksyon niya sa tanong ko dahil nakalingon ako sa kabilang direksiyon.

Nang mag-angat ako nang tingin ay nakakalokong ngisi agad ang nabungaran ng mata ko.

"Are you jealous?" ngisi nito, napaangat naman ang kilay ko.

My Tomboy SexytaryWhere stories live. Discover now