Lumipas ang mga araw at linggo, nakagawian na namin ang araw-araw at paulit-ulit lang ang ginagawa namin. Sa umaga ay kung sinong unang magigising ay siya ang gigising sa tulog pa saka sabay kaming bababa para magluto.
Assistant ko lang siya dahil hindi sya marunong hahahaha. Pagkatapos ay kami rin ang maghuhugas ng pinagkainan, habang sila Mamang at Papang naman ay pupuntahan sila Mang Nilo para sa mga huli nitong mga isda na ibinibenta namin sa palengke.
Pagdating ng hapon ay kami pa rin ang magluluto, easy-easy na lang sila Mamang dahil all around naman kami sa bahay. Natutuwa nga ako kase may kahati na ako sa mga gawain ko hahaha..
Pagdating sa hapon ay toka na kami sa pagtitinda na mabilis lang rin nauubos. Tuwing sabado naman ay pumupunta kaming center para sa weekly check-up nila Mamang at Papang. At paglinggo?
Magsisimba kaming apat, pagkatapos hihiwalay na sila Mamang sa amin kase magdi-date pa sila ni Papang. Kami naman ni Mattheus, gagala sa park at mga malls.
Bukod pa roon, nakikipagkumpetensiya rin siya kay Choi. Tch! Parang bata nga silang dalawa! Nililigawan daw nila ako pareho. Pero si Mattheus ang bilis mapikon, pikunin siya at mainit na agad ang ulo basta magdikit lang kami ni Choi. Seloso!
At habang lumilipas ang mga araw, maraming mga alaalang bumabalik sa isipan ko. Unti-unti ko ng nalalaman kung sino ba talaga ako, kung sino ba talaga si Mattheus sa buhay ko. Pero malabo pa rin ang iba, naguguluhan pa rin ako at maraming nabubuong tanong.
"Wife.." narinig kong bulong niya mula sa likuran ko habang ang braso ay pumupulot na sa baiwang ko.
Malalim akong napabuntong-hininga. Nagtatampo ako sa kaniya kase. Kita mo? Ni hindi ko nga uyab 'tong lalaki na 'to pero may patampo-tampo pa akong nalalaman.
(-__-)
"Sorry na..." malambing na sabi niya. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niyang hindi ko nagawang tanggalin.
"Jane." banggit ko sa pangalan ng babaeng kausap niya kanina sa telepono. Hindi ko alam pero naiinis na agad ako sa pangalan na 'yan.
Kanina ko pa kase siya hinahanap, magpapasama kase sana sa kaniya na bisitahin sina Mamang. Nasa Danao na naman kase ang mga ito, nakatira doon ang kapatid ni Papang. Nandoon sila ngayon kase birthday ng masungit na kapatid ni Mamang.
Ang sabi nila isang linggo pa daw sila doon kahit hindi naman kailangan. Pangatlong araw pa lang nila ngayon doon pero nami-miss ko na agad sila kaya magpapasama sana ako sa kaniya kanina. Pero ayun at makikita ko lang siya na may nilalambing na babae sa telepono.
(-- )
"'Wag kana magselos asawa ko..." nahimigan ko ang pagngisi niya ng sabihin iyon. Kumunot naman ang noo ko.
Madaling nakalayo ako sa kaniya at inis na hinarap siya. Nanguso naman ang loko na akala mo bata.
"Hindi ako nagseselos!" madiing tanggi ko. Kumurba naman ang nang-aasar na ngiti sa labi niya. Mas lalo tuloy akong nainis. Hinapit naman niya ako sa baiwang kaya napahawak ako sa mga braso niya.
"She's just a friend. And engaged." hindi ko pinansin ang sinasabi niya.
'Pareho pala kayong nagtataksil sa asawa niyo (-- )'
"She wants me to attend her wedding." patuloy pa niya sa pagpapaliwanag.
"Kaya nilalambing mo?" hindi ko nilagyan ng emosiyon ang mukha ng sabihin ko 'yon diretso ang tingin sa mga mata niya.
Natigilan siya pero kalaunan ay mahinang natawa. Nairita naman ako sa ginawa niya kaya nagkumawala ako sa yakap niya. Pero hindi ako nakawala at mas lalo lang akong nadikit sa kaniya.
YOU ARE READING
My Tomboy Sexytary
Diversos"I promise you no matter how long I need to wait, how far you are with me, that you are still.. and still the only girl the precious of mine. I love you My Wife."-Mattheus My Tomboy Secretary It contains matured content that are not suitable for you...