Chapter 19

248 25 4
                                    

Comatose. Iyan ang sabi ng doktor. Naapektuhan daw ang ulo niya dahil sa lakas ng salpukan ng sasakyan. Ang mas nagpagulat pa sa kanila ay nang may makuha na bala sa loob nito dahilan kung bakit kinailangan siyang maoperahan agad.

Wala pa daw kasiguraduhan kung kailan siya magigising. Pagkatapos kaming maimporma nang doctor ay nilipat na rin nang kwarto si Ella para doon i-monitor. Naiwan si Nicnic at Shiro sa hospital habang kasama ko naman ang kambal at si Mattheus pauwi. Ihahatid niya kami.

"You can stay in my condo." nagmamaneho siya nang magsalita. Nasa likod ang kambal at tahimik lang. Pinapatulog kase ni Loui si Leigh at ngayon ay nagha-humming na siya para sa kambal. Binalingan ko naman si Boss na tutok ang mata sa harapan.

"Hindi na." sagot ko, tinanaw ko ang mga gusaling nadadaanan namin at pilit pinapakalma ang sarili.

Pinapakiramdaman ko ang paligid, hindi ko alam kung kailan sila ulit aatake. Baka malingat lang ako nang kaunti may napahamak na. At yun ang iniiwasan kong mangyari. Hindi naman na muling nagsalita si Mattheus kaya binalot muli nang katahimikan ang loob nang sasakyan.

Maya-maya pa, "Ate?" si Loui. Nilingon ko naman siya.

"Mm? Bakit po?" masuyong aniko.

"Babalikan ka po ba nila?"

(O__O)

Nabigla ako sa naging tanong niya, alam ko kung anong ibig niyang sabihin roon. Hindi ako agad nakasagot kaya muli siyang nagsalita.

"Papatayin ka daw po nila.. narinig ko po 'yun." mababang tinig na aniya habang nakayuko, narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. Nahigit ko ang hininga nang marinig iyon. Habang ramdam ko naman ang unti-unting pagbagal ng sasakyan hanggang sa tuluyan na iyong huminto at hinarap na ako ni Mattheus.

"I will not let that happen, I'll protect you at any cost."

Sa unang pagkakataon. Naramdaman ko na ako naman ang pinopretakhan na kailanman ay hindi ko naramdaman noon.

Nicnic's POV

"Ella naman eh! Putragis ka naman oh! Gumising kana diyang hayop ka!" sigaw ko sa kaniya habang nakayakap sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang pagtulo nang luha ko nang makita ko na naman ang mukha niyang namumutla. Natutulog na akala mo hindi nabaril! Punyeta!

"Hush, she's going to be fine. Hmm? Stop crying na sweetheart.." naramdaman ko naman sa likod ko si Shiro na niyakap ako, pilit pinapatahan dahil sa kanina ko pang pag-iyak.

"Hindi eh! Asan ang fine d'yan, Shiro?! Nabaril siya! Hindi ka man lang ba magwawala at hahanapin ang bumaril sa kaniya?—kase Shiro hindi aksidente 'yung nangyari eh! Binaril siya at napakalabo namang 'yung adik na driver na 'yun ang bumaril sa kaniya e, nagsalpukan nga sila. Sinadya 'yun! May gustong pumatay sa kapatid mo Shiro!"

"Anong gusto mong gawin ko?!" nabigla ako sa pagsigaw niya. Kalaunan ay agad ring sumagot.

"Hanapin mo ang gumawa nito kay Ella. Hindi pwedeng hindi mahuli ang may pakana nito."

"Fine!" asik niya at nilayasan na ako.

'Bakit Shiro? Bakit gan'yan ka? Parang hindi ka man lang nag-aalala sa kapatid mo?'

My Tomboy SexytaryWhere stories live. Discover now