Chapter 12 PALAWAN PART 2

558 47 25
                                    

MAGANDA ANG cabin na tinutuluyan namin, ako at ang kambal lang rito tutuloy mamayang gabi. Si Nicnic kase ay kasama ang barkada niya at magkakasama sa isang suit sa di kalayuang hotel na nasa loob lang rin ng resort.

Dala ko ang susi nito at kaagad iyon na binuksan. Nakapasok na ako rito kanina nang ihatid namin ang mga dalang gamit ng kambal. N-Nang kambal!

"Potek! Wala nga pala akong dalang mga damit," nasapo ko ang noo sa sariling reyalisasyon.

Nakapatong pa sa higaan ang bag ng dalawa. Nakakainis!

"Pa'no ngayon 'yan?! Lintek talaga na babaeng Tso 'yun." sabi ko sa sarili.

"Alam niyo namang boploks rin minsan 'yang kapatid ko!" mula sa labas ay rinig ko na ang malakas na boses ni Nicnic kaya hindi na ako nagulat ng bumukas ang pinto at iluwa siya noon.

'Ano namang ginagawa nang mga 'to rito?'

"Marinig ka ni Ate Ven gaga," suway ni Mazee rito na kasunod ni Ella na pumasok.

"Gaga ka rin girl! Ayan siya oh—ano Ate? Kala mo may dinala akong damit mo ha?!" Ngumisi pa ang loko.

"Tch!" ako.

"Oh," itinapat nito sa mukha ko ang nakahanger na bikini.

Dark green ang kulay nito, napangiwi ako sa kulay at halos masuka sa nipis ng tela na halos lantad na ang kaluluwa ko kapag sinuot ko iyon.

"Ipakita niyo 'yung dala niyo," si Nicnic, ipinatong naman nila sa kama ang kanya-kanyang bikini na dala nila, tig-iisa sila.

Nilapitan ko ang mga ito at pinagmasdan. Ang dala ni Ella ay kulay white, at kay Mazee at Hazel naman ay black at red. Sa black at red ako nahihirapang mamili dahil black ang paborito kong kulay at ang style nang bikini na iyon ay mas malala pa sa green. Iyong pula naman ang pinakamatino kahit papaano sa lahat.

"Ano?! Pili na, aba may gagawin pa kami." si Nicnic.

"Kinginang 'to! Sinabi ko bang pumunta kayo rito, engot." sinamaan ko siya nang tingin.

"Excited lang 'yan kase kasama si Shiro." pang-aasar ni Hazel, tinawanan lang naman siya nang boang.

"Guys, mauuna na muna ako sa inyo, Ate Ven. Mas Bet ko suotin mo pula para fierce, bagay sayo 'yung kulay tsaka morena ka kase kaya mas bagay 'yun—sige na, bye!" mabilis nitong sabi at dire-diretso nang lumabas ng cabin.

"Ella niyo, atat na atat sa jowa niya!—kainis lang! Hindi man lang sa atin pinakilala!" Naiinis na sabi ni Mazee.

"Sundan natin!" suhestiyon ni Hazel.

"Tara, Ate ha? Pula na suotin mo. Agree naman kami sa sinabi ni Ella kase 'yan lang naman talaga dapat dala namin. Kaso nagdala na lang kami nang tatlo pa para malito ka kakapili," si Nicnic.

Gigil na nilingon ko ito at hindi na nagdalawang isip na abutin ang ulo niya. Hindi agad siya nakaiwas sa mabilis na kilos ko, kaagad ko siyang madiin na kinutusan at hinayaan ang paniniko nito sa tiyan ko.

PINAGMAMASDAN KO ngayon ang sariling repleksiyon sa human size mirror na nasa loob lang ng bathroom nitong cabin. Kanina pa nakaalis ang apat, natagalan lang talaga ako dahil sinubukan ko rin isuot ang puting bikini.

Kulay pula ang suot kong bikini, ngayon ko lang rin nakita ang hubog ng katawan ko nang halos hubo't hubad na. Wala naman akong ehersisyo araw-araw kaya hindi na batak ang katawan ko.

Hindi na rin ako masyadong active sa sports kaya nakakapagtaka na naging ganito na lang ang hubog ng katawan ko. Pinakanakakairita lang ay itong dibdib ko! Nakakainis!

My Tomboy SexytaryWhere stories live. Discover now