Chapter 11 PALAWAN PART 1

576 49 10
                                    

Pagsara ko nang pinto ay noon nagsalita ang driver.

"Sir Matt, may pamilya na ho pala kayo?" nakangiti itong nilingon ako bago binalik ang tingin sa kalsada at sinimulan paandarin ang sasakyan.

Noon ko lang napansin na si Mang Ben pala ang sumundo sa 'min, asawa ni Manang. Our mayordoma.

Nilingon ko sa review mirror si Avie dahil sa sinabi ni Mang Ben, nakataas ang mga kilay nito habang diretso ang tingin sa kalsada. Mukhang wala lang naman rito ang sinabi ni Mang Ben. Tss!

Napangisi naman ako bago nagsalita, ang mga mata ay nakatutok lang kay Avie mula sa review mirror. "Asawa ko nga po pala, Mang Ben. My Avie." Pakilala ko rito, nanlaki ang mata nito at napalingon sa 'kin.

"Napakaganda po nang asawa niyo Sir Matt. Bagay na bagay po kayo." puri naman nito na ikinatawa ko nang sitahin siya ni Avie.

"M-manong! 'Wag po kayo maniniwala d'yan. Tch! hindi ko ho 'yan asawa." pagtanggi naman nito, ang mga mata ay suminghal pa na tumingin sa 'kin.

"Girlfriend pa lang po, diba babe?" pang-aasar ko pa.

"Mukha mo!"

Napatawa naman ako sa sobrang pagka defensive nito. Nakakatuwa palang asarin 'to, may pa tiim bagang pang nalalaman. Napalingon naman kami sa gilid ng bumungisngis si Leigh, nakatakip pa ang mga kamay nito sa bibig habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Avie.

"Para po kayo mad atawa yieee..." bumungisngis muli ito.

--,

'Sabi sa inyo eh hahahahahahahahaha.......'

"Bunso," na nanaway ang tono ni Avie.

"Let them be with it Avie. Mang Ben and Leigh already said that we look like husband and wife." kunwari pang seryoso na sabi ko rito, nagkatinginan naman kami sa review mirror.

"Tch! Lugi ako ah," i heard her murmured, hands across her chest.

'Di na lang sumabay, tss. Parang 'di ako tinawag na babe kanina ah?'

NASA KALAGITNAAN na nang byahe na napuno nang katahimikan na tanging tugtog sa radio lang ang maririnig. Ilang saglit pa nang magising si Loui.

Mula sa review mirror ay nilingon ko sila sa likod. Nagkukutkot ito nang mata habang nakahilig sa kanyang ate.

'I can't wait to see Avie being like this to our child.'

"Ate, asan na po yung airplane?" mapungay ang matang tiningala nito si Avie.

"Naiwan sa airport, master,"

Napatawa kami nang mahina ni Mang Ben sa naging sagot nito. But, yeah! She's right. Loui pouted his lips, then he leaned on Avie's side.

"Sayang di ko po nakita 'yung mga bahay at mga tao na maliliit kase nakatulog ako." malungkot na sabi nito.

"Ako kuya natita ko! Nun ulap lin natita ko! Tata yom ibon yen," sabat ni Leigh na mabilis na nagsalita habang ngumunguya pa ito. Kinakain niya 'yung cookie, hindi siguro naubos kanina.

Translate: "Ako kuya nakita ko! Yun ulap rin nakita ko! Saka yong ibon din,"

"Buti ka pa," tanging naisagot ni Loui, yumuko ito at kinutkot ang mga kuko.

Hinawakan ni Avie ang magkabilang pisngi nito, pinagkiskis ang tungki nang mga ilong nila. Habang ako naman ay aliw na pinapanood sila sa review mirror.

"Wag kana malungkot master, gusto mo? Pagdating natin 'don sa resort gala tayo agad? Malay mo... may mapasyalan doon o kaya games? Mag-iikot tayo agad pagkatapos nating kumain, ayos lang ba 'yun sa 'yo?" ani Avie, masuyo nitong sinusuklay ang buhok ng kapatid.

My Tomboy SexytaryWhere stories live. Discover now