Mattheus's POV
Seryoso naming tinatahak ang kalsada papuntang Autumn's Mall. Nasa likod ko si Avie at nakasunod siya sa akin. Nagulat rin ako sa ibinalita ni Mang Ben and I'm also worried for the twin's safety.
Hindi ko rin alam kung paanong ganito kaaga ay nasa Mall si Mom kasama ang kambal. Kapatid pa rin iyon ni Avie at karapatan niyang malaman na pupunta sila roon.
Halos maunahan na niya ako sa bilis ng pagpapatakbo niya nang motor. Baka siya pa ang mapahamak sa ginagawa niya! Pero hindi ko siya magawang pigilan. Madilim ang mata niya at nakakatakot ang ganiyang aura niya. Unang beses ko itong naramdaman at inaamin kong hindi ko gusto ang ganoong pakiramdam.
Mabilis na narating namin ang mall kung saan nagkalat na ang mga sasakyan ng pulis sa kalsada. Ang iba naman ay kararating lang rin. Papasok sila sa loob habang palabas naman ang iba.
Hindi ko tuloy napansin na nakarating na pala si Avie kung hindi ko pa siya natanaw na nakikipaggitgitan sa mga pulis sa loob na makapasok. Hinaharang siya nang mga ito. Kaagad akong tumakbo palapit sa kinaroroonan niya at nakita ko pang may sinasabi siya sa mga ito.
Nanlaki ang mata nang mga pulis at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Nagbigay sila nang espasyo para makapasok siya nang tuluyan sa loob. May nag-escort pa sa kaniyang apat na pulis kung saan alertong binabakuran siya na tila pinoprotektahan. Habang si Avie ay kalmado lang na naglakad pero kuyom ang dalawang kamao.
(O__O)?
'What the hell?'
Tulala akong pinagmamasdan ang bulto nilang lima na papaalis. Hindi pwede! Baka mapahamak si Avie! Kaya dali akong pumasok sa loob pero kaagad akong hinarang nang lalaking kausap niya kanina.
"Sir hindi po pwedeng pumasok!" sabi nito.
"What? Hindi pwede?!" inis na tanong ko. "But you let my girlfriend in?!" Sigaw ko.
"Hindi po talaga pwedeng pumasok, Sir."
"'Wag ka ngang magialam!"
"Sir hindi po talaga pwede!" tinulungan na siya nang iba pa niyang kasamahang pulis na awatin ako.
"Matt!" I know that voice, Levi.
"What?!"
"Hey! Calm down."
"How can I? Kung nasa loob si Avie at ayaw ako papasukin ng mga 'yan?!" angil ko. Nakakainis! Ano bang problema nila at hinayaan nila si Avie na pumasok sa loob at may escort pa talaga!
Nanlaki ang mata niya at nataranta nang marinig ang sinabi ko. Kaagad niya rin tinakpan ang emosyong iyon at naging seryoso.
"Trust her." ang tanging sinabi niya.
'Seriously?'
Nilapitan niya ang pulis na kinausap rin kanina ni Avie. Nagulat rin ito sa sinabi niya at sinulyapan ako, kalaunan ay tumango at may ibinulong kay Levi. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil bantay ako nang dalawang pulis na 'to sa harap ko!
Pagkatapos nilang mag-usap ay kalmadong pumasok si Levi sa loob ng mall at may nag escort rin sa kaniyang dalawang pulis.
'Their so unfair!'
Hindi sila patas! Why they let him in while me are not?! Natanaw ko pa na inabutan ng pulis si Levi ng baril bago sila lumiko at mawala na nang tuluyan sa paningin ko.
'What was that for?'
Bakit inabutan siya nang baril ng pulis? Ano bang meron sa loob? Ang unang pumasok sa isip ko ay may hold up na nagaganap ngayon roon. Pero bakit kailangan pa nang baril ni Levi? Ano ba talagang nangyayari! Ah!
YOU ARE READING
My Tomboy Sexytary
Random"I promise you no matter how long I need to wait, how far you are with me, that you are still.. and still the only girl the precious of mine. I love you My Wife."-Mattheus My Tomboy Secretary It contains matured content that are not suitable for you...