Chapter 15 PALAWAN PART 5

355 28 2
                                    

Matapos namin panoorin ang paglubog ng araw, napansin kong naging clingy si Avie sa 'kin.

(--,)

"Oy, Kayo d'yan! Puro lambingan, tumulong nga kayo rito!" Nics. Hindi pa rin ako nasasanay sa napakaingay na bibig nito kapag nagsasalita.

"Inggit," napangisi ako sa narinig na bulong ni Avie.

Nakagat ko ang labi, pinipigilan na mapangiti nang sumiksik siya nang pagkakayakap sa 'kin. Nakayakap kase siya sa tagiliran ko habang nasa baiywang naman niya ang isa kong kamay na nakayakap rin sa kaniya.

"Ouch! Ang shaket nemen non!" asar sa kaniya ni Ella.

Mahinang tinawanan lang kase siya nang kapatid niya at hindi na ito nagsalita pa. Kanina ko lang rin nalaman na magkapatid pala si Avie at ang babae ni Shiro na si Nics or Nicnic ba 'yon na tawag nila.

"Ang lambing mo naman babe sana palagi na lang birthday ko. Araw-araw." I whispered to her ear. Mahina lang niya akong tinawanan bago sumagot.

"Hmm? Malambing na ba 'to?" ramdam kong nakangiti siya habang sinasabi iyon.

'So this is the other side of her?'

Mas gusto ko ang ugali niyang ito, sweet and playful. Minsan kase ay nagbubukas siya nang topic na medyo kinakagulat ko lang. Nagugulat pa ako kapag bigla na lang siyang mangyayakap tapos bubulong sa tainga ko.

"Can you do this always?"

"Do what?"

"Hugging me," I chuckled when she bit my shirt. Tumagos iyon sa dibdib ko nang kagatin niya.

"Mattheus?" ramdam ko ang paghipit ng yakap niya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapangiti dahil sa lambing ng boses niya nang banggitin ang pangalan ko.

"Mmm?" malambing ko ring tanong.

"Promise me...... hindi ka magbabago sa 'kin kahit ano pang malaman mo?"

".....,"

Saglit akong natahimik sa sinabi niya, iniisip kung anong ibig non sabihin. Kung para saan iyon.

'Bakit naman ako magbabago mahal ko? Ano bang dapat kong malaman?'

Instead of saying those words I answer, "I promise, Avie. No matter what."

NANG MATAPOS SILA sa pagliligpit ay sabay-sabay na kaming umakyat sa yacht. May tatlong kwarto ito, isa dito sa baba at dalawa sa taas. Si Mom at ang kambal ay magkasama sa isang kwarto sa itaas. Sa kabilang kwarto naman ay sila Mazee. Sila Shiro, I don't care wherever they are. Baka naglibot-libot sa loob ng yate?

'Kami ni Avie?... Were in one room of course!'

It is still my birthday, gaya nang plano ko kagabi. Buong oras nang kaarawan ko kasama ko siya. Hindi naman siya umangal at ngayon ay naglalambing pa. I still can't imagine that this is really happening!

Na ganito si Avie kalambing sa 'kin!

It's not that I don't like it. Sa totoo lang gustong-gusto ko lahat ng nangyayari. Kung hindi pa ako nagbirthday hindi ko pa mararanasan kung paano lambingin ng isang Venice Avierish Samonte.

"Nagugutom kana?"

(--,)

Tulad niyan!

Napakalambing ng boses niya nang magsalita. Mula sa likod ko ay niyakap na naman niya ako habang inihihilig ang ulo niya sa likod ko. Ahhh.. heaven...

My Tomboy SexytaryWhere stories live. Discover now