Chapter 14 PALAWAN PART 4

472 39 10
                                    

Avie's POV

Nakahiga na kami, katabi ko ang kambal. Sa gitna si bunso tapos sa magkabilaang gilid naman kami ni Loui. Tulog na ang dalawa dahil malalim na rin ang gabi. Samantalang ako ay hindi man lang dalawin ng antok.

Hindi kase siya dumating...

Hanggang sa mag-alasnuebe nang gabi hinantay ko siya. Pero walang Mattheus na dumating. Pinapasok na ako sa loob nung apat dahil aalis na sila. Magkakasama kase sila sa isang suit diyan sa hotel. Dito lang rin sa loob ng resort iyon.

'Nagtampo ba talaga siya?'

Malalim ang buntong-hininga na pinakawalan ko. Maingat na tinanggal ko ang kumot at maayos iyong inilapag. Magpapahangin muna ako. Ngayon na lang ulit ako nahirapan makatulog nang ganito.

Dumaan muna ako sa kusina para uminom nang tubig. Malapit na mag-alasdose nang gabi? Nahagip kase nang mata ko ang wall clock na nakadikit sa dingding. Iyong pader na nakahati sa kusina at kama na agad. Mahirap ipaliwanag kaya ikaw na mamroblema kung paano mo iisipin.

Pagkatapos uminom ay dumiretso na ako palabas. Maingat ang bawat hakbang ko, natatakot na makagawa nang ingay at baka magising ang dalawa.

Nakahinga naman ako nang maluwag nang mapayapa akong nakalabas ng cabin. Hanging panggabi ang agad na sumalubong sa 'kin. Napakalamig niyon lalo pa at nakasuot lang ako nang dress, sleeve less pero hindi naman revealing.

Ang madilim na paligid ay pinaliliwanag nang buong-buo na buwan. Halos nakadikit lang iyon sa may dulo nang karagatan kung titignan mula rito sa kinatatayuan ko.

'Napakaganda...'

Bakit hindi ko nagawa 'to nung mga nakaraang araw? Kung ganito kaganda pala ang gabi ay mas gugustuhin ko pa siguro iyon kaysa sa umaga.

Nakayap ako sa sarili nang magsimula na akong humakbang. Ang suot kong pangyapak ay iyong tsinelas na kulob tapos ay mabalahibo. Kulay asul rin ito. Lahat na lang siguro sa 'kin ay asul...

Nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa may tubig. Hindi naman ako magbabasa. Magpapahangin lang ako sa gilid ng dagat dahil hindi ako makatulog.

Nang tuluyang makalapit ay mas lalong lumalakas ang ihip nang hanging panggabi. Tinatangay nito ang buhok kong nakabagsak lang. Ang laylayan ng suot kong dress ay tila gustong magtago at sumiksik sa likuran ko dahil mas lalo iyong humahapit sa katawan ko dala nang malakas na hangin.

Ang tunog ng kalmadong alon ng karagatan ay tila nagpapapayapa nang saloobin ko. Para akong nakalutang...

Wala na masyadong tulad kong nasa labas ngayon. May mga natatanaw ako pero bilang na lang sa daliri. Katahimikan nang gabi ang bumalot sa paligid.

Hindi ko alam kung gaano katagal ako nanatili sa ganoong posisyon nang may bumasag sa katahimikan.

"S-Scarlette?"

(O_O)

'Hindi naman siguro ako ang kausap diba? Hindi 'yon ang pangalan ko...'

Sa paniniwalang hindi ako ang kausap ay hindi ko nilingon ang babae sa likuran ko. Pero nang maramdaman ang mabilis nitong kilos palapit sa akin ay agad akong umiwas nang walang kahirap-hirap.

Muntik na siyang mapasubsob sa damuhan kung hindi ko pa siya nahawakan sa baiwang.

(O_O)

Nakatalikod man ang babae ay hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko siya. Kilang-kilala... At napatunayan ko iyon nang tuluyan na siyang humarap sa 'kin.

Hindi ko maipaliwanag ang kislap na nakikita sa mga mata niya habang nakatingin sa 'kin.

"M-Mahal?" pumiyok ang boses niya nang magsalita.

My Tomboy SexytaryWhere stories live. Discover now