Chapter 24

215 22 3
                                    

Nangako siyang a-attend ng birthday ng kambal sa sabado. Hindi ko pa nga lang nasabi na hindi na kami roon sa bahay nakatira. Wala pa rin namang plano sa gaganaping kaarawan ng kambal. Pero sa tingin ko ay gusto nang dalawa na sa bahay mismo namin sila magcelebrate. Malapit lang kase ang bahay ng mga kaklase at kaibigan nila roon.

Hindi kase pwede ngayon dahil hindi ko siya masasamahan sa bahay. May meeting akong pinatawag kay Von kanina. At 'yun nga ang ginawa ko, matapos naming magpaalam ni Mattheus sa isa't-isa ng ihatid niya ako rito sa bahay ay umalis na rin siya. Dito talaga sa bahay, sa bahay namin nila Nicnic.

Umalis na siya habang nakatayo lang ako sa harap ng gate. Sa katunayan dito talaga ang diretso ko, kailangan ko ang motor ko dahil pupunta ako ngayon ng Laguna. Doon kase ang base namin kumbaga.

Nang makarating ay wala nang mga tao akong makita sa bawat gusaling madaanan ko. Dumiretso na ako sa elevator papuntang ground floor. Nang bumukas ay ingay agad nila ang bumungad sa akin. Hindi naman dati ganito ang grupo.

Hindi ganito nung ako pa 'yung namumuno. Dahil sa gilid ang elevator for VIP's hindi nila ako makikita. Nagtungo ako sa opisina ko dito sa ground floor, nadatnan ko silang dalawa na nakabantay roon.

Ang mga Lasientre. Ngumisi si Von sa akin habang ngumiti lang si Levi, feeling close na agad hindi porket bunso nila ako. Hindi ko sila pinansin at pumasok na nang opisina. Binuksan ko ang drawer ng desk ko, kinuha ko ang contact lense. Matapos iyon maisuot ay saka palang ako lumabas. Hindi na ako nag abala pang magbihis o palitan itong suot ko.

Taas ang noo na naglakad ako papunta sa harap. Ramdam ko ang biglaang pagtahimik ng paligid. Mga matang nakatitig at pinagmamasdan ang bawat kilos ko.

"Lady Phantom!" sigaw nila nang huminto na ako sa harap, sabay-sabay silang yumukod bilang paggalang. Ikinairita ko naman ang bagay na 'yun. Ang dami talagang nagbago.

Matapos ay sinimulan ko ang pakay ko. Sinabi ko ang plano at mga gagawin nila. Hindi namin hihintayin na sila ang sumugod, kami ang maauna bago pa sila umatake. Parang sa giyera lang 'yan. Pautakan.

Drake's POV

Is my name familliar to you? I'm not gonna intorduce myself to you, makikilala niyo rin naman ako.

"Blood." narinig kong tawag sa akin ni Ama. Nanatili akong nakayuko sa kaniya while he, was sitting like a king on his throne. "Dukutin mo ang mga kapatid niya sa sabado. Hindi ba't kaarawan iyon ng dalawang bata?"

"Oo, Ama." sagot ko naman. "Sa sabado rin gaganapin ang Event ng mga Wolfsteve kung saan siya nagtatrabaho. Umaga ang lapag ng eroplanong sasakyan ng Chairman, sa airport."

"Hahahaha.. Hindi niya mababantayan ang dalawa kung ganon." tumawa siya ng tila isang demonyo. "Makikita ko na ulit ang anak ko."

Kumulo ang dugo ko sa narinig, ako ang anak niya pero ang babaeng 'yun pa rin ang paulit-ulit na tinatawag niyang anak! Ano bang mayroon sa Phantom na 'yun?! Lahat na lang nasa kaniya!

"Gawin ang pagsalakay sa sabado. Gusto ko nang makita ang anak ko, kung hindi lang siya umalis ay hindi sana mamamatay ang mga umampon sa kaniya.... At hindi rin papatayin ang mga kapatid niya. Patayin ang kambal pagdating niya sa yate." napangisi ako nang tumalikod na si Ama. Umalis na siya.

'Ang kambal lang ba?' napangisi ako sa naisip.

Isama na rin ang kapatid nila. Si Phantom! Uunahin kong mamatay muna ang putanginang babae na 'yun bago ang mga kapatid niya. Sisiguraduhin ko na sa pagkakataong ito... hindi na siya makakaligtas tulad noon.

My Tomboy SexytaryWhere stories live. Discover now