Chapter 25

214 23 2
                                    

Maaga akong nagising, tahimik ang naging galaw ko para bumangon. Ang gulo na nang higa namin sa higaan. Ang paa ni Loui ay nasa tiyan ko, hindi narin siya nakaunan dahil pahiwi na ang ayos ng higa niya. Si Leigh naman ay nakabaluktot ang higa patalikod sa pwesto namin ni Loui. Si Loui kase ang katabi ko at katabi niya si Nicnic.

Si Nicnic naman ay nakasayad na ang kaliwang paa sa sahig at nakabukaka pa! Ako naman ay nakayakap kay Loui habang nasa tiyan ko ang paa niya. Marahan ko iyong tinanggal. Nang sa wakas ay makatayo na, nilapitan ko si Nicnic at mahinang ginising.

"Abigail!" gising ko sa kaniya. Nagkamot muna siya nang pisngi bago idilat ang mata. Madilim ang kwarto at tanging liwanag na nagmumula sa buwan na sumisilip sa salamin ng veranda ang nagbibigay tanglaw sa buong silid.

"T-teka." paos pa ang boses niya nang bumulong. Maingat siya na umalis sa higaan. Nagngisihan naman kami, pinuntahan ko si Von siya naman ay kay Levi.

Hindi na ako nag abalang kumatok. Natagpuan ko naman siyang halos mahulog na sa kama, natawa ako nang palihim. Nakasilip ang likod niya at walang suot na pang-itaas. Hinampas ko siya sa likod, maagap naman siyang nagising sa ginawa ko. Iritado ang mukha niyang inaantok na nag-angat ng tingin sa 'kin.

"Bangon!" hinila ko ang braso niya patayo. Tamad naman siyang bumangon habang nagpoprotesta. Dumiretso kami sa kwarto ng mag-asawa.

(O__O)

'Kakatukin ko ba?'

Nag-aalinlangan ako. Kahit na sabihin kong magaan na ang loob ko sa kanila, hindi pa rin kami ganoon kalapit sa isa't-isa. Nahihiya pa rin ako. Narinig ko naman ang pagtawa ni Von sa may gilid ko.

"Don't stare the door, it will not open if you'll not going to open it." siya. Napaismid naman ako.

Kumatok pa ako bago buksan, natawa na naman siya. Nang tuluyan ko nang mabuksan ay nagdadalawang-isip pa ako kung papasok ba o hindi pero hindi na ako nakaatras ng itulak ako ni Von kaya tuluyan na akong nakapasok.

Nagulat ako nang makita na ang gulo nang mag-asawa matulog. Kaya naman pala.

'Ito ang pinagmanahan ko.'

"Mom! Dad! Wake up! Dali gising!" natawa ako nang palihim ng bulabugin ni Von ang natutulog na mag-asawa na animoy batang pinipilit ang magulang na mamasyal habang niyuyugyog pa ang mga balikat nito.

Dumaing ang mag-asawa. Natatawang humarap sa akin si Levon at kumindat. Naglakad siya palapit sa akin..

"Be more comfortable, Ven. Our parents will surely love if you can also do that to them." bulong niya nang makalapit.

Sabay-sabay kaming bumaba sa kitchen at naabutan roon si Nicnic at Levi na nagbabangayan.

"Bobo potek!" pikon na sabi ni Nicnic. Walanghiya talaga ang bibig. Kung anong matripan, iyon ang bibigkasin. Sinindihan niya ang candle number ng cake na mukhang dahilan ng pagbabangayan nila kanina.

Umakyat na kami sa taas ng tahimik. Hawak ng dalawang lalaki ang confetti habang may mga birthday cap kami sa ulo. Ako ang nasa harap, binuksan ko nang walang kaingay-ingay ang pinto. Natutulog pa rin ang kambal sa parehong posisyon nung iniwan namin sila.

Pumwesto na sila habang ako naman ang bubulabog sa gising ng dalawa. Si Papa ang may hawak ng cake ni Loui habang si Mama ang may hawak ng cake ni Leigh. Katulad ng palagi naming ginagawa ni Nicnic tuwing birthday ng dalawa.

Nagkatinginan kami at dagliang dinamba nang yakap ang dalawa. Nagising naman ang kambal kasabay ng pagbukas ng ilaw, pagsabog ng confetti at sabay-sabay namin na sigaw ng,

My Tomboy SexytaryWhere stories live. Discover now