KAUUWI LANG ni Shiro dahil ayokong makita pagmumukha nang lalaking 'yun. Iputok ba naman daw sa loob? Kinginang 'yan. Pano pala kung nasabugan si Nicnic kung ano-anong pinuputok ng lalaking 'yun sa loob ng katawan ng kapatid ko.
Wala nga kong maintindihan sa pinagsasabi nila. Napuno na talaga ako kaya pinauwi ko na 'yung lalaking 'yun, ang sarap niyang kaltukan.
"At ikaw naman Nicnic tumigil ka na katatawa mo d'yan. Akala ko ba masakit katawan mo, sikmuraan kita d'yan eh." hininaan ko ang huling sinabi.
"Whahahahaha naman kase ate Ven ang epic ng reaction mo. Ikaw 'tong mas matanda sa 'kin pero ikaw pa 'tong walang kamuwang-muang." kanina pa siya tawa ng tawa, anito pa sa pagitan ng tawa niya.
"Tsk! Eh paano nga kase kung may kemikal 'yung pulburang ipinutok niya sa 'yo????!!! Kinginaman Nicnic nag-aalala lang naman ako sa 'yo." mababaw ang tinig na sabi ko, naiinis dahil sa pagtawa niya.
"Eh ate, may kemikal naman talaga 'yung pulbura pero hindi naman niya ako pinutukan ng kung anong paputok na pinag-iisip mo... Yan napapala mo kakapakinig kay nay Kikay e."
"Tsk!! Basta ha? Ayoko nang makikitang kasama mo pa 'yun? Tsaka ano bang nangyari sa 'yo? Bigla-bigla kang nagkakasakit eh, hindi ka naman sakitin. Wala kong naintindihan sa pinagsasabi niyo kaninang dalawa." nakakabadtrip naman itong napabilog ang bibig dahil sa sinabi ko.
"Oh my gosh ate!!! Sumasakit lalo ate 'yung pakiramdam ko sa 'yo. Really ha? Alam mo yung bayag pero kung saan ginagamit 'yun hindi mo alam? Oh my gosh! Umalis ka na nga!!! wahahaha tae ka ate, isa kang malaking TAE!! Wa ha ha ha ha..." tumawa na naman ito nang malakas.
Inis ko naman itong pinalo sa braso tsaka ako tumayo. Tinignan ko pa ito nang masama bago lumabas sa kwarto niya. Hanggang sa makalabas ako ay rinig ko pa rin ang tawa nito.
Alam ko naman talaga 'yung bayag. Napag-aralan ko naman 'yun sa school syempre. Parts of the body yun ng mga lalaki. Pero dahil hindi naman ako sing perfect nang iniisip ng iba porque matalino ako ay lahat na alam ko.
May kahinaan rin ako gaya ng pamilya ko at syempre gaya niyo sa subject, sa 'kin naman sa science.
Nadaanan ko pa sa sala na naglalaro ang kambal. Anong oras na gising pa 'tong mga 'to, tsk!
"Matulog na kayong dalawa." agaw pansin ko sa kanila, napalingon naman sila sa 'kin.
"Ati taglit na lang nanan po."si Leigh, naka pout pa ito habang nagpapaawa ang mata.
Translate: " Ate saglit na lang naman po"
"Opo ate last na 'to pishh!..." please daw sabi ni Loui. Naglalaro kase sila nang lego. Iyong makakabuo ka nang kung ano-ano.
Translate: "Opo ate last na 'to please!..."
Ang kalat pa naman sa sala, ginamit kase nila yung alcohol, pulbos, lotion, perfume, boteng may tubig at notebook ni Nicnic para gawing mga gusali kuno. Kay Nicnic lahat ng ginamit nila dahil hindi naman ako gumagamit ng mga ganyan.
Wala rin sigurong kamalay-malay yung babaeng 'yun dahil maghapon daw siya sa loob ng kwarto inalagaan nung Shiro. Ang tinik rin nitong kapatid ko eh, may bago agad huwaw.
Sinabi rin niyang si Ella daw nagkuha sa motor ko. Kinabahan kase ako syempre, may sakit siya tapos pinakuha ko sa kanya yung motor ko. Eh hindi ko pa naman alam kanina na may lagnat 'yun.
"Sige kayo bahala, sana kwarto ko pa naman sana muna kayo matulog ngayon kase may bago akong story. Kaso ayaw niyo pa pala muna." kunwari naman akong nadismaya at naglungkot-kungkutan.
YOU ARE READING
My Tomboy Sexytary
Acak"I promise you no matter how long I need to wait, how far you are with me, that you are still.. and still the only girl the precious of mine. I love you My Wife."-Mattheus My Tomboy Secretary It contains matured content that are not suitable for you...