MATAGAL natapos ang kainan kaya anong oras na nang matapos kami. Si Ella at Hazel ay sa amin matutulog dahil gabi na rin ay hindi ko na sila pinayagang umuwi. Nasa sala kaming lahat, naglatag ako nang foam para pwedeng mahiga roon habang nanonood kami ng T.V.
Inaantay lang namin ang sundo nila Mazee dahil wala silang dala na sasakyan. Nininerbyos ako nung una dahil mama at kapatid nang boss ko ang parehong nandito sa bahay. Pero kitain mo naman na ngayon ay nakaunan pa ako sa lap ni Tita.
Sinusuklay nito ang buhok ko habang nakayakap naman sa akin si Leigh, tulog na ito. Nasa foam kami dahil ang apat ay nagsiksikan sa sofa naming maliit lang. Kasama rin namin sa foam si Loui na halos sakupin na lahat dahil sa kalat nitong pwesto nang higa.
"Napakaswerte nang mga kapatid mo sa 'yo. Napakabuti mong ate." Boses lang na nanggagaling sa T.V. ang naririnig ko nang magsalita si tita. Maingat akong nag-angat ng tingin sa kanya saka ngumiti.
"Ako ho ang maswerte. Sobrang... swerte." pabulong kong sabi.
Nanlaki ang mata ko nang halikan nito ang noo ko. Napakainit sa pakiramdam, iyong tipong hinalikan ka sa noo nang mama mo dahil may maganda kang nagawa. Pumikit-pikit ako para pigilan ang nagbabadyang luha na gustong tumulo sa mata ko.
"Mom, hindi tayo masusundo ni kuya Tony. Nasiraas daw siya sa kalsada, mag taxi na lang tayo." mahinang sabi ni Mazee.
"Delikado, gabi na Mazee. Gusto niyo dito na lang din kayo makitulog?" alok pa ni Ella na akala mo bahay niya.
"Bahay mo te?" asar ni Nicnic, tinawanan naman ito ni Mazee at Hazel.
"Ayos lang ba kung ihatid ko kayo? Kaso motor nga lang?" nag-aalangan ko namang suhestiyon, nagliwanag ang tingin ni Mazee na nilingon ako.
"Mom si Ate Ven na lang maghatid sa 'tin. Sige na mom? Magaling mag motor 'yan si Ate Ven wag ka mag-alala." Kinumbinsi nito ang ina na marahang tumango sa kanya. "Yes!"
"Hala! Ang daya, hatid mo na lang din kami Ate Ven? Gusto ko rin umangkas sa motor mo." si Hazel. Ate ang tawag nito sa 'kin kapag kami-kami lang, pag may ibang tao acting na ulit na jowa ko daw siya.
Sinang-ayunan naman ito ni Ella. Pareho ko na kaseng naisakay 'yang tatlo bukod kay Nicnic. Ako kase 'yung tipo nang driver na kapag inangkas ka sa motor ay ililibot ka pa sa kalsada. Idadaan ka sa mga magagandang view at iyong ride na bibilisan ko ang takbo saka biglang mahina.
Wala trip ko lang talaga kahit magastos sa gas. Napagdesisyunan ng mag-ina na ihatid ko na lang sila dahil palalim na ang gabi. Maingat ang mga galaw namin ni Tita para hindi magising ang kambal. Binuhat ko si Leigh at si tita naman kay Loui.
Ihahatid muna namin ang kambal sa kwarto nila bago ko sila ihatid. Nakasunod sa akin si Tita. Pagpasok sa kwarto ay maingat kong inihiga si Leigh. Sa kabilang gilid naman ng kama ni Tita inihiga si Loui.
Patayo na ako nang bigla akong yakapin sa leeg ni Leigh. Bumulong-bulong itong natutulog, napatawa kami nang mahina ni Tita Mafie sa kanya.
"A-ati," antok ang boses nitong nagsalita.
"Mmm?" ako. Sinimulan ko siyang ipampam para makatulog muli, pikit ang mata nito. Ang mga kamay ay lumuluwag na sa pagkakakapit sa leeg ko.
"Ayaw ka atang umalis?" si Tita. Nangiti naman ako sa sinabi nito.
Nang makatulog na ulit si Leigh ay saka palang kami nakalabas ng kwarto. Naabutan namin na mahinang nagtatawanan ang apat sa sala. Kaagad tumayo si Mazee nang makita kami.
'Excited 'to sumakay panigurado.'
Dumaan ako sa key wall at kinuha ang susi nang motor ko. Inilabas ko muna ito nang gate bago pinaangkas ang dalawa.
YOU ARE READING
My Tomboy Sexytary
De Todo"I promise you no matter how long I need to wait, how far you are with me, that you are still.. and still the only girl the precious of mine. I love you My Wife."-Mattheus My Tomboy Secretary It contains matured content that are not suitable for you...