Mattheus's POV
Nauna akong pumasok at sa likod ko naman ay si Mazee. Nadatnan namin si Dad na nakatalikod, nakaharap siya sa salamin kung saan kita ang buong garden namin mula rito sa opisina niya.
"D-Dad," Mazee called him.
"Get out, Niphiere. Hindi ka kailangan rito." malamig ang boses na sabi ni Dad. Sanay siya sa pagtawag sa amin gamit ang first name namin.
Napabuga nang hangin ang kapatid ko saka nagsalita. "No! You're gonna blame kuya again! Wala siyang kasalanan D-Dad!" pagtatanggol sa akin ng kapatid ko kahit wala pa namang nangyayari.
Lumapit ako sa kaniya at iniharap siya sa akin. "Lumabas kana muna Mazee, ako nang kakausap kay Dad—"
"No kuya!—pagsinisi ka ni Dad ay aakuin mo nanaman! I will not let that happen!" angil niya at masama na ang tingin ng lingunin si Dad.
Hindi ko masisisi si Mazee sa nararamdaman niya dahil sa nangyari noon. Sinisi niya ang sarili sa nangyaring pagpaparusa sa akin ni Dad noong muntik na kaming mapahamak ni Mom.
Were just a kid back then, ipinasiyal kami ni Mom sa isang park. Iyon rin ang unang beses na nakalabas kami ni Mazee at nakapasiyal. Bigla niya akong hinila noon dahil gusto niyang magpasama para lapitan namin ang mga asong nakatali sa may puno.
Hilig ni Mazee ang magkaroon ng aso but Dad didn't allowed pets on our house. Paglapit namin ay kaagad na hinawakan at hinimas niya ang uluhan ng isang Pitbull. Tuwang-tuwa si Mazee nang maamo lang ito at hindi naman tumahol at nagalit sa ginawa niya.
May mga collar pa ang dalawa at marahil ay iniwan lang sila panandalian ng kanilang amo sa lugar na iyon. Kumuha siya nang piraso ng cookies na paborito niya, dinurog niya iyon at inilagay sa kamay niya.
Tinapat niya iyon sa bibig ng Pitbull na kaagad naman na kinain ng aso. Pero hindi namin inakala ang biglaang pangyayari. Pati ang suot niyang bracelet na regalo ni Dad ay kinagat ng aso.
Nagsimula akong mataranta ng hindi iyon bitiwan ng aso, napapatingin na ang mga dumaraan sa amin dahil sa eksenang nangyayari. Hanggang sa ang katabing aso ng Pitbull na sa tingin ko ay German Shepherd ay bigla nalang silang nagpangbuno.
Nakalas ang bracelet ni Mazee mula sa pagkakasuot niya. Wala itong beads dahil lace lang iyon at napakasimple pero napakahalaga iyon kay Mazee dahil iyon ang kauna-unahang regalong natanggap niya mula kay Dad.
Sinubukan kong kunin ang pulseras niya pero nakagat ako sa may braso ng German Shepherd. Kahit masakit ang kaliwang braso, nang magkaroon ng pagkakataon ay nakuha ko ang pulseras ni Mazee na siya namang pagkawala ng Pitbull.
Kaagad ako nong sinunggaban pero bago pa ako niyon makagat ay ang mga bisig ni Mom ang naging pananggalang ko nang yakapin niya ako. Sa may balikat nakagat si Mom na nasundan pa sa braso at hita niya.
Nagsilapitan ang mga tao at sinubukan kaming tulungan hanggang sa—
"Nova." bumalik ako sa reyalidad ng biglang pumailanlang ang boses ni Dad.
Noon ko lang napansin na wala na pala si Mazee, nakalabas na nang office. Nakatalikod pa rin siya sa akin at naghihintay na magsalita ako.
"I'm sorry." iyon ang kusang lumabas na salita sa bibig ko. It was like an automatic.
"Stay away from the Lasientre. Nadadamay lang tayo sa gulo nila." hindi ko inaasahan ang pagiging kalmado ng boses ni Dad pero hindi pa rin nawawala roon ang pagkainis.
YOU ARE READING
My Tomboy Sexytary
Random"I promise you no matter how long I need to wait, how far you are with me, that you are still.. and still the only girl the precious of mine. I love you My Wife."-Mattheus My Tomboy Secretary It contains matured content that are not suitable for you...