Third Person Of View
In his 29 years of existence, he never felt this feeling of being complete, contented and nothing ask for more. Na kuntento na sa kung anong mayroon siya, sa pagkakaroon ng babaeng hindi niya aakalaing mamahalin niya nang ganito.
Mula sa dulo ng aisle, nakatanaw siya mulo sa kabilang dulo nito kung saan naroon ang babaeng nagpabaliw, nagpakaba, nagparamdam sa kaniya ng kakaibang saya. Ito ang araw kung kailan ikakasal na siya sa babaeng bumuo sa buhay niya.
Nagsimulang pumailanlang ang musika kasabay ng paglalakad ng lahat ng sasaksi sa pag-iisang dibdib nila. Ang mga ito ay buo ang ngiti at makikita sa mga mata na masaya para sa kanilang dalawa.
Nagsimulang maglakad sina Hazel at Mazee suot ang kulay asul na mga dress nito. Nakangiti itong tumingin sa kaniya na magaang nginitian niya rin pabalik. Masaya siya at naguumapaw ang sari't-saring emosiyon at walang makakasira noon. Walang puwang ang pagiging masungit dahil ito ang araw na pinakamagiging memorable sa tanang buhay niya.
Nang makapwesto na ang dalawa ay nagsimula na ring maglakad si Ella at Kiel. Kanina lang rin nila nalaman na ito pala ang sikretong nobyo ng dalaga. May mga nakakalokong ngisi ang dalawa ng dumaan ito sa kaniya.
Sumunod ay si Levon at Levi na brother in law na niya simula sa araw na 'to.
"Take care of our sister, Matt. Lulumpuhin kita pagsinaktan mo ulit ang kapatid ko." pagbabanta sa kaniya ni Levon ng marating nito ang dulo. Seryoso man sa sinabi ay naroon ang saya at galak sa mata nito. Si Levi ay ngumisi lang sa kaniya ng nakakaloko.
Malumanay na tinanguan niya ang brother in law at ngumiti rito. Nagpatuloy naman ito sa paglalakad papunta sa kabilang bahagi kung saan kasama ang pamilya nito. Itinuon muli ni Mattheus ang mata sa mga taong naglalakad.
NANG makapwesto na ang lahat sa kaniya-kaniyang upuan, nakatutok na ang mga ito sa dulo ng aisle kung saan naroon ang bride suot ang napakaganda nitong wedding gown. Nakaangkla ito sa braso ni Mr. Levandro-kaniyang ama.
Sa harap nila ay naroon ang kambal suot ang cute na cute na flower dress at suit nito. Naghahagis ng bulaklak si Leigh habang marahan silang naglalakad. Malalaki ang ngiti nila at halata mo ang saya sa mga mata.
"Avie.." puno nang emosiyong naibulong ni Mattheus habang ang mga mata ay nakatutok sa babaeng ngayon ay naglalakad na sa aisle.
Kasabay ng paghakbang nito ay ang pagsabay ng kanta.
🎶♪♪"Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervouse I couldn't speak
In that very momment
I found the one and
My life had found its missing piece..So as long as I live I love you
You look so beutiful in white
And from now 'til my last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight.."🎶♪♪Mas lalong pinatitingkad ang ganda ng bride dahil sa sunset na nasa likod nito. Pinakamagandang tanawin na nasilayan ng mga mata ni Mattheus. Mula sa magandang musikang sumasabay sa malakas na tibok ng puso niyang tila ito ang nagsasalita para sa kaniyang nararamdaman.
Ang mga mata niyang hindi napigilan ang pagluha dahil sa naguumapaw na emosiyong lumulukob sa kaniyang dibdib. Emosiyong walang kapantay. Labis labis na saya at kakuntentuhan ang nararamdam niya habang marahang naglalakad ang babaeng hindi niya kayang mabuhay ng wala ito.
Nang tuluyan na nitong maabot ang kaniyang pwesto, iniangkla ni Avie ang kamay sa kaniyang braso. Puno nang emosiyon ang nanluluha na rin nitong asul na mata.
YOU ARE READING
My Tomboy Sexytary
Acak"I promise you no matter how long I need to wait, how far you are with me, that you are still.. and still the only girl the precious of mine. I love you My Wife."-Mattheus My Tomboy Secretary It contains matured content that are not suitable for you...