Chapter 23

221 24 5
                                    

Nagising ako nang madaling araw, wala namang kakaiba pero hindi na ako nakatulog ulit kaya napag-isipan kong bumangon na lang. Nakalimutan ko pang mag-unhook ng bra dahil antok na ako agad nang mahiga ako sa kama.

Nag-ayos ako nang sarili, naligo at nagtootbrush bago dumiretso sa kusina para magluto nang agahan para dun sa tatlo na ihahatid ko sa school ngayon. Hindi kase ako makampante kapag pinapahatid ko lang sila, lalo na sa kambal. Hindi ko alam kung kailan sila aatake at kung anong pakay nila.

"Ate!" si Nicnic. Agad na sinuway ko siya sa ingay niya at baka magising ang kambal. Natatawang tinikom niya ang bibig. Kasalukuyan akong naghahanda nang pagkain, tinulungan naman niya ako.

"Abigail." tawag ko sa pangalan niya, tinignan ko siya nang seryoso. Ramdam kong natigilan siya dahil alam niyang seryoso ako sa mga oras na ito. Hindi siya lumingon sa akin kaya nagpatuloy ako. "Nahanap ko na sila." alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin.

"S-sino?" pagpapanggap niyang tanong, hindi ko siya sinagot. Iniharap ko siya sa akin saka diretso sa matang tinignan.

"Doon na muna kayo titira. Mapapanatag ako dahil alam kong may magbabantay sa inyo ro'n."

"H-ha? Pinagsasabi mo?" akma niyang tatanggalin ang kamay ko sa balikat niya pero nagmatigas ako.

"Makinig ka sa 'kin!" pasigaw na bulong ko. "Doon muna kayo, aalis ako at hindi ko ka—"

"Aalis?!... 'Wag mo sabihing bumalik ka?!" hindi ako sumagot. "Tangna!"

"Tinatarget nila kayo! Umalis na ako pero hindi ako makakatakas dahil marami siyang tao, marami siyang galamay at kahit sa eskwelahan pa 'yan... hindi niya sasantuhin." mariin kong ipinikit ang mata. "Kahapon,.. Nakilala ko na ang mga kadugo ko. Ang ama ko pala leader ng ika 5 sa ranggo. Si Levandro Lasientre. Bago ako umalis, kailangan kong makampante na ligtas kayo kapag umalis ako." hinawakan ko ang mukha niya. Ang pisngi niyang may agos ng luha, pinahid ko iyon gamit ang daliri.

"P-pero kase, n-natatakot ako Ate. P-paano k-kung—"

"Tsk! Ginagawa mo kong mahina niyan eh,"

"Punyeta! Ano kala mo sa sarili mo?—super saiyan? Tanginang 'to!" tinaboy niya ang kamay ko at siya na ang nagpunas ng mukha niya, natawa na lang ako nang mahina dahil sa inasta ng kapatid. "Kailan ka ba aalis?" tanong niya kalaunan.

"Atat?" biro ko pa at hinampas lang niya ang braso ko. "Pagkatapos ng birthday nung kambal. Sa sabado na 'yun." seryoso na sabi ko na binalikan na ang paghahanda sa lamesa. Narinig ko naman siyang bumuga nang hangin.

"Agad?!" tinignan ko lang siya.

"Pagkatapos natin ihatid 'yung dalawa sa school, mag-impake kana nang mga damit niyo. Sa Hospital mo kami hintayin. Pag-uwi nang kambal dun na tayo lilipat." paliwanag ko at sinulyapan pa siya.

Buo na kase ang plano ko. Kahapon, wala naman talaga akong balak na tumira sa kanila dahil may tatapusin pa ako. Pero kailangan ko sila para sa mga kapatid ko. Pagkatapos nito, babalik na ako sa kanila, saka na ako babawi.

"Wow!" napangiti ako nang marinig ang boses ni Loui. Masigla ito habang sinisinghot ang hangin, may inaamoy. "Ano pong ulam Mama?"

My Tomboy SexytaryWhere stories live. Discover now