Katatapos ko lang maligo. Namumula pa rin ang pisngi ko at ramdam ko ang pag-iinit niyon. Kanina pa naman 'yung nangyari pero hindi pa rin mawala yung epekto sa 'kin! Pamilyar na bago, alam mo yun?
Pero ang pinoproblema ko ngayon, nahihiya akong lumabas ng bathroom! Nasa labas lang kase siya dahil sabi ko bawal siya lumabas ng kwarto ko at baka makita siya nila Mamang.
Humugot ako nang malalim na hininga bago humawak sa siradura ng banyo.
"Ano ka ba Chems! Gwapo lang 'yun, hindi ka dapat kabahan!" pagkausap ko pa sa sarili ko. Ah! Dapat pala sampalin ko siya kase hinalikan niya ako sa noo eh, hindi ko naman siya kilala. Tama—tama ganun na nga.
(^__-)
Binuksan ko na ang pinto at tuluyan ng lumabas. Kaagad namang nahagilap ng mata ko iyong lalaki. Nakatayo siya habang hawak ang frame na nakapatong sa bedside table ko, pinagmamasdan niya iyon! Hala!
Iyon yung picture namin ni Choi nang makahuli kami ng malaking isda. Namingwit kase kami nun, inaya kami ng parents ni Choi iyong umampon sa kaniya.
"Are you guys... in a relationship?" pahina ng pahina ang boses niya ng magsalita. Nakatutok pa rin ang atensiyon niya sa frame. Nagkadalunok-lunok naman ako.
"Hala, Hindi ah! Magkaibigan lang kami parang magpinsan ganun! Kase Tita tawag ko sa Mama niya tapos Tita tawag niya sa Mamang ko. Hindi naman ako crush niyan! Pero crush ko siya secre—" naputol ang pagpapaliwanag ko ng dagli siyang lumingon sa akin na may matatalim na tingin.
"Crush? Si Kiel, crush mo?" seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Ako naman nangunot ang noo at nagtataka.
"Sino naman 'yang Kiel? Kanina tinatawag mo akong Avie eh, Chandria Emsy ang pangalan ko. Chems for short." bigla tuloy ako naging madaldal.
Tinanggal ko ang tuwalya ko at tumalikod na sa kaniya. Kumuha ako ng suklay at sinuklay ang buhok kong lagpas hanggang dibdib na ang haba.
"Matt." bigla naman siyang nagsalita. Nilingon ko siya na nagtataka.
"Para saan?" tanong ko naman. Malay ko ba kung anong gagawin niya sa basahan tapos ini-english pa. Kahit sinabi ng doctor na may amnesia ako, natuto rin ako ng English noh! 'Yun kaya salita nila kapag nakikipag-usap sa mga Chinese.
"What?" siya naman ang nagsalubong ang kilay.
"Ang gulo mo naman. Sabi mo basahan tapos ngayong tinanong ko kung para saan sasabihin mo naman what!" nauubos na pasensiyang sabi ko. Ayoko na nga siyang kausap!
Narinig ko ang panlalaking tawa nito, hindi ko naman alam kung saan galing ang kiliting naramdaman ko nang marinig iyon. Ano ba yan! Ano bang nangyayari sa akin?! Hindi naman ako ganito dati.
Umupo ako sa gilid ng kama at marahang tinutuyo ng tuwalya ang basa kong buhok. Naramdaman ko naman ang paglubog ng kama mula sa kabilang dulo, nakatalikod kase ako sa kaniya kaya malay ko ba kung anong ginagawa niya.
Nabigla ako nang may mga brasong pumupulot sa maliit na tiyan ko! Naestatwa ako at hindi na makagalaw.
"Mattheus, my name is Nova Mattheus Wolfsteeve." bulong niya sa tainga ko pagkatapos ay siniksik niya ang mukha sa leeg ko.
'Mattheus?'
B-bakit parang napakapamilyar ng pangalan na 'yan. Saan ko ba 'yan narinig? Ay hindi! Paborito kong pangalan 'yan, yun ang alam ko pero bakit wala naman akong matandaan?
YOU ARE READING
My Tomboy Sexytary
Aléatoire"I promise you no matter how long I need to wait, how far you are with me, that you are still.. and still the only girl the precious of mine. I love you My Wife."-Mattheus My Tomboy Secretary It contains matured content that are not suitable for you...