Chapter 20

258 24 1
                                    

Binangungot na naman si Loui gaya ng nangyari sa Palawan. Nang abutan ko siya ay nanginginig siya habang umiiyak. Na trauma na siguro ang kapatid ko sa nangyari kanina. Ramdam ko ang pag-igting ng panga ko sa isiping iyon. Sa murang edad ay nakaranas na sila nang mga ganoong pangyayari.

Kinantahan ko lang siya at niyakap para makatulog siya ulit. Hindi ko na tuloy nagawang makabalik sa kwarto ni Mattheus.

(O__O)???????

'Potek! ano bang iniisip ko?

Dito naman talaga ako dapat matulog katabi ang kambal hindi doon sa kwarto niya! Sira ulo na talaga ako. Napailing na lang ako at inayos ang pagkakapatong ng kumot kay Loui. Nakahiga ang kalahati nang katawan ko sa kama habang nakasandal naman ang likod ko sa headboard.

Kanina pa naman nakabalik sa pagtulog si Loui habang ako dilat pa rin at hindi man lang dalawin ng antok sa kabila nang pagod sa nangyari buong araw. Maingat na tinanggal ko ang parte nang kumot na ibinalot sa akin ni Loui kanina saka ako walang ingay na tumayo. Malaki naman ang kama, Queen size bed pa nga ito kaya kahit tabi kaming tatlo ay kasyang-kasya kami.

Lumapit ako sa bintana at tinabing ang makapal na puting kurtina nito. Bumungad sa akin ang nagkikislapang mga imprastaktura at gusali. Mga bukas pang departamento at ilaw ng traffic light. Sa gitna nang malalim na gabi marami pa ring tao sa ganitong oras. Lumabas ako nang veranda at muling isinara ang kurtina na nagbibigay liwanag sa loob ng silid.

Walang buwan ngayon.

Tanging mga ilaw na nanggagaling sa kung san-saang gusali at sasakyan ang nagbibigay liwanag sa paligid. Ninamnam ko ang pag-ihip ng simoy ng hangin na tumama sa aking mukha. Hanging panggabi na naman.

Maliit lang ang veranda at kataas ang harang ng railings nito. Humawak ako sa railings at tumingin sa ibaba. Simula nang araw na iyon hindi na ako natakot sa kahit na anong matataas na lugar. Kung ibang bata siguro ay mata-trauma pero ako, higit pa roon. Para akong namatay at nabuhay lang muli, namanhid ang buo kong katawan at para lang akong nakalutang sa ere na kasalukuyan nga noong nangyayari nang mga panahong iyon.

Narinig kong bumukas at sara ang sliding door nitong veranda. Napangiti ako nang maramdaman ang presensiya niya. Nawala bigla ang kanina kong iniisip na masalimuot na buhay ko noong kabataan. Niyakap niyo ako mula sa likod at isininiksik niya ang mukha sa leeg ko.

"Avie..." rinig kong bulong niya sa leeg ko. Nakagat ko ang gilid ng labi ko, pinipigilan ang nagbabadyang ngiting gustong gumuhit rito. "Balik na tayo sa kwarto?" napakalambing ng boses niya at may kung anong humaplos na naman sa puso ko. Sa tuwing nakikita at naririnig ko siya, nawawala ang lahat ng bigat sa loob ko.

"Bakit?" malalim na paghingang bulong ko.

"Anong bakit?! tabi na tayo.." napatawa naman ako sa tono nang boses niyang akala mo ay bata.

'Lintek! Bakit parang kinikilig ako?'

(-_-)

"Dito ako matutulog, baka kase bangungutin na naman si Loui." mabagal na sabi ko. Ipinatong ko ang kamay ko sa mga kamay niyang nakayakap sa maliit kong baiwang.

"Pano naman ako?" nagtatampo ang boses niya pero nagawang kagatin ang leeg ko. Napadaing ako dahil roon at mabilis ang paghinga na humarap sa kaniya.

Mapungay na ang mata niya pero kita ang kislap roon habang nakatingin ng diretso sa akin.

'Papakasalan ko ang lalaking 'to...'

Papakasalan ko siya. Ipinapangako ko sa sarili ko iyan habang nakatitig rin sa mata niya. Hinaplos ko ang pisngi niya at niyakap siya nang mahigpit. Napatawa lang siya sa ginawa ko pero niyakap rin ako pabalik nang mas mahigpit pero naroon ang pagsuyo.

My Tomboy SexytaryWhere stories live. Discover now