Chapter 12

3.4K 82 5
                                    

Napatingin ako sa may pinto ng maramdaman ko ang matatalim na tingin sa akin ni Sir. Sinalubong ko yung tingin niya at ngumiti dito na mas laling ikinasama niya.

" Hello Sir. "

" What are you doing here? " suplado talaga.

Ang ganda naman ng ngiti niya sa picture ha. Pero bakit sa personal mukhang hindi na yaya ito marunong ngumiti.

Seryuso naman itong pumunta sa table niya kaya napaalis naman ako don. At siya naman ang pag-upo nito.

" Speak if you have want to say. " sabi nito na hindi man lang tumitingin sa akin?

Busy kasi sa pagtitingin niya sa laptop niya. And let see kung hindi pa siya titingin sa akin sa sasabihin ko sa kanya.

" About kay Keagan sir.. magpapaalam lang po ako sayo na ipapasyal ko siya bukas sa may park. "

Palihim akong napangisi ng mabilis siyang napatingin sa akin.. na halos patayin ka niya sa mga titig niya.

" I'll kill you if you do that. " malamig nitong sabi.

" But Sir, ipapasayal ko lang nam-aah. "

Si flash ba ito? Bakit ang bilis niya makalapit sa akin para sakalin ako.

" Kapag pinilit mo pa ang gusto mo... I'll kill you.. right now.. right here. "

Biglamg nanlamig ang buo kung katawan ng marinig ko ang malamig niyang boses na siya talagang nakakapanindig balahibo.  Nakakatakot man pero kailangan kung panindigan yung sinabi ko. Nasasakal narin ako sa higpit ng pagkakahawak nito sa leeg ko.

But you know what? Wala akong pakialam kung patayin ako ngayon mismo ng lalakeng toh. Dahil ang gusto ko lang ay maging masaya yung batang inaalagaan ko ngayon.

" K-kill me.. k-kill me kung- " sunod-sunod ang pag-ubo ko ng bitawan niya ako.

Napayuko pa ako dahil sa paghabol ng hininga at pag-ubo ko. Ramdam ko rin yung hapdi sa leeg ko. At ng okay na ako, saka lang ako tumayo ng maayos at deritsang tumingin sa mga mata niya. At kapansin-pansin ang pagkakunot ng noo niya dahil sa ginawa ko.

" Kill me.. kill me kung hindi ko talaga kayang protektahan ang anak mo. Patayin mo ako kung nasaktan ang anak mo dahil sa akin. Willing akong patayin mo Sir. Dahil isa lang ang gusto mo.. maging masaya ang anak mo. " seryusong sabi ko sa kanya.

Ilang minuto ako nananatili sa harapan niya.. pero ng wala akong makuhang salita mula sa bibig niya umalis na ako sa harapan niya. Dahil baka hindi ako makapagpigil ay mahalikan ko siya.. hahaha.. charot.

' Bakit kasi kaakit-akit ang mata ng bwesit na yun. '

Pero seryuso ako sa mga sinasabi ko kanina ha! Kung gusto niyang patayin niya ako. Patayin niya ako! Pero sa malinis na paraan.. Willing naman akong mamatay sa piling niya.. charot!

Willing akong mamatay makita lang na masaya ang anak niya. Napakahirap kayang maging lonely at walang kalaro.

Kinabukasan nakakailang man pero kailangan kung tanggapin na kasabay namin ni Keagan ang Daddy niya na maghatid sa kanya sa school. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain ng isang to at naisapan pang sumabay sa amin. Hindi naman kasi talaga siya sumasabay sa paghatid namin sa anak niya.

Baka siguro naisip nito na itatakas ko yung anak niya kaya sumabay sa amin... Huwag siyang mag-alala gagawin ko naman yun.. pero hindi muna ngayon.

Nakarating kami sa school niya ng walang umiistorbo sa amin sa daan. Mag-isa ko lang din siya inihatid sa room niya dahil yung Daddy niya ayaw bumaba. Parang takot yatang mainitan.

Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon