Chapter 10

3.7K 97 7
                                    

" You should leave. "

Agad akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi nito.

" What? "

" Are you deaf? I said, you should leave, dahil hindi ka namin kailangan dito. "

Ako aalis? Anong karapatan niyang paalisin ako dito. Hindi naman siya yung nagpatrabaho sa akin dito ha.

" Ayaw ko nga! Aalis lang ako if si Ma'am mismo ang magpapaalis sa akin dito. " sabi ko.

Kunot noo ako nitong tiningnan pero nandon parin ang masama niyang tingin sa akin.

" Stay here, I call my Mom. " matigas nitong sabi.

Nagkibit balikat lang ako, hudyat na wala akong pakialam sa gagawin niya.

Umalis siya sa harapan ko na akala mo interesado akong makinig sa pag-uusapan nila ng ina niya. Pero sana naman hindi magbago ang isip niya, dahil nag-eenjoy palang ako eh.

Pagbalik niya, mas dumoble ang pagkakunot ng noo nito at ang pagsama ng tingin nito sa akin. At iisa lang ang ibig sabihin nyan, mukhang hindi niya nakumbinsi ang ina niya.

" May pag-uutos ba kayo kamahalan? " nakangiting tanong ko sa kanya.

Pero nagulat ako ng muli na naman ako nitong hinawakan sa kamay at hinila papalapit sa kanya. Dahilan para makita ko na naman ang magaganda niyang mga mata.

" Kapag hindi mo nagawa ng maayos ang trabaho mo. Your dead. " malamig at seryuso nitong sabi sa akin.

Malaks niyang binitawan ang kamay ko at iniwan akong mag-isa doon. Pero sa pag-alis niya, doon lang ako nakaramdam ng matinding kaba sa dibdib. Dahil tulad ng sabi ni Dana, delikadong tao ang mga De Guzman, at maaring mapahamak din ako sa pagpasok ko sa buhay nila.

Pero huwag siyang mag-alala, gagawin ko ng maayos ang trabaho ko. Gagawin ko tulad ng sinasabi niya.

*****

Dahil dito na ako nakatira at bilang personal maid nila. Kailangan kung magising ng maaga para ihanda sila ng agahan. Na kung tutuusin kailangan ko talaga gawin yun dahil ako lang naman ang nag-iisang maid nila dito. Kaya sa malamang na sa malamang, akin lahat ng trabaho dito.

Matapos kung magluto ng agahan, umakyat na ako papunta sa kwarto ni Keagan para gisingin ito. Pero mukhang hindi ko na kailangan gawin yun dahil gising na siya pagpasok ko

" Good morning. " nakangiting bati ko sa kanya.

Ang aga-aga mukhang galit ang isang toh, hindi man lang nagresponce sa sinabi ko.

Pumunta na ito sa may banyo para makapagligo. At habang naliligo siya, inihanda ko naman yung susuotin niya at yung mga gamit niya sa school. Matapos niyang magligo, tinulongan ko naman siyang magbihis ng damit niya. At mukhang naiilamg siya sa akin.

" Ako na, hindi ako sanay na may gumagawa nito sa akin. " masungit nitong sabi.

Inilapit ko yung mukha ko sa mukha niya dahilan para magulat siya sa sinabi ko at halata sa mukha niya yung pagkailang.

" Kaya simula ngayon masanay kana. Dahil araw-araw ko itong gagawin sayo. Okay? " nakangiting sabi ko dito.

Sabay na kaming lumabas ng kwarto niya saka pumunta sa kusina para makakain na siya. Tinimplahan ko na rin siya ng gatas para mainitan ang kalamanan niya. Napatingin naman ako ng pumasok sa loob ng kusina si Sir.

Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon