Special Chapter

4K 75 1
                                    

*Prince POV*

Simula ng nawala si Celine, wala akong ibang iniisip kung hindi pagbayarin ang taong nanggulo sa tahimik naming buhay. Lahat ng oras ko ay ginuguol ko sa pagtratrabaho, mahanap lang ang taong nagbigay ng gulo sa pamilya namin. Mahanap lang ang taong dahilan ng pagkawala ni Celine, kahit na alam kung nawawalan na ako ng oras sa anak ko. Pero sa paghahanap at pagtratrabaho ko, hindi ko aakalain na matatagpuan ko pala ang babaeng dapat sa akin. Ang babaeng dahilan ng pagkawala ni Celine at gumulo sa pamilya ko. Nong dumating siya sa buhay namin ni Keagan, parang biglang nagliwanag at nagbigay ng kulay ang madilim naming buhay. Siya yung tipo ng babaeng kahit matapang at talagang pumapatol sa gulo. Marunong naman itong mag-alaga,  dahil nakikita ko kung paano niya alagaan at protektahan si Keagan. Kung si Celine ay tipo ng babae na mahinhin at madaling matakot, pero siya ay hindi, magkaiba ang ugali nila ni Celine. Dahil siya yung tipo ng babae na papasukin lahat ng gulo, siya yung tipo ng babae na lumalaban at handa kang protektahan. Kahit nga ilang beses ko na itong pinagbantaan ang buhay niya, para wala lang sa kanya. Nagagawa pa nitong ngumiti at tumawa, ni hindi ko nga nakitaan ng takot ito.

Akala ko magiging masaya na ako at matatanggap ko na talagang wala ni Celine, pero mali pala ako. Dahil parang bumalik lahat ng nangyari sa pmilya namin nong nawala si Celine ng malaman ko kung sinong taong naging dahilan kung bakit gumulo ang pamilya namin sa pagkawala ni Celine. Akala ko si Mr. Chui ang dapat kung paghigantihan, mali pala. Dahil ang tanging taong naging dahilan ng gulo ay nasa harapan ko lang pala, walang iba kundi si Reign. Ang babaeng natutunan ko ng mahalin. Masakit tanggapin na yung babaeng akala mo ay makakasama mo habang buhay ay siya rin pala yung babaeng sumira ng pamilya mo. Mas lalo pa ako nakaramdam ng galit sa kanya dahil all this time kilala niya pa ako at ng anak ko! Alam niyang kami yung taong nawalan ng mahal sa buhay dahil sa kanya. Idagdag mo pang buhay pala si Celine at nasa kanya lang ito. At ni kahit isa sa mga kasinungalingan niya, wala siyang may sinabi sa akin.

Pero ang galit at pagkasuklam na naramdaman ko sa kanya ay parang bulang biglang nagluha. ng malaman ko nasa panganib siya at pinaghihirapang ng mag-amang Chui. Mas lalong domube ang kabang nararamdaman ko ng madeactivate nito ang bombang invinto nito, kaya halong-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na yun, idagdag mo pang pagkainis ko dahil sa ginawa niya. Bakit niya kinakailangan iactivate ang mga bomba kung nasa loob pa siya ng mansion, hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ng mga time nay un. Pero ginawa ko parin ang lahat para hanapin at iligtas siya, at nong time na nakita po siya. Doon ako nakaramdam ng panghihina at ang lakas ng katawan ko ay parang biglang nawala ng makita ko siyang nakahandusay sa sahig na walang malay at may mga pasa sa katawan. Pero ang mas nakakawindang sa akin ay yung makita syringe na wala ng laman. Isa lang ang pwedeng mangyari sa bagay na yun, yun ay maaari nila yung tinurok kay Reign. At isa lang ang tumatakbo utak ko non, maaaring mamatay siya kapag hindi pa ako kumilos. Kaya piliti kung pinalakas ang loob ko para buhatin siya papalabas sa mansion nay un kahit na hindi ko kayang makita siyang nagkaganun. Lahat ginawa ko para mabuhay lang siya, kahit na magbayad pa ako ng 5 million pesos sa isang boteng gamot lang ay ginawa ko, mabuhay lang siya. Dahil walang katumbas ang pera o kayamanan na meron ako kung mawawala man lang ang babaeng minahal ko higit pa kay Celine. 

Nandito kasi kami ngayon sa balcony 

" Bakit? May problema ba? " tanong nito na

"Ang ganda ni reign diba. "Sabi ni Rory na nasa tabi ko at siya ring bestman ko.

"No! She is indeed gorgeous. "nakangiting sabi ko dito.

Nakatutok ang tingin ko sa isang babaeng dahang-dahang lumakad papalapit sa dereksyon ko, kasabay ng pagtigil ng mundo ko ng ngumit ito habang drektiang nakatingin sa akin. Ang matamis niyang ngiti na siyang nagpapadagdag sa bilis ng puso ko.

Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon