Hikab-hikab ako habang naglalakad papasok sa loob ng campus. Antok na antok kasi ako dahil narin gabi na akong nakauwi sa bahay namin. Mag-isa rin akong pumasok ngayon dahil nauna na sa akin si Abby, mukha kasing naging busy ang life ng babaeng yun.
Deritso lang akong pumasok sa may room at walang pakialam sa mga matang nakatingin sa akin. Agad akong umupo sa upuan ko at umub-ub sa desk. Iidlip muna ako habang wala pa yung prof namin. Pipikit na kasi yung mata ko sa sobrang antok.
" Ms. Ignacio! "
" Hmm.... "
" Ms. Ignacio! "
Napaderitso ako ng upo ng marinig ko yung malakas na boses na tumawag sa akin.
" Ms. Ignacio! "
Napatingin naman ako sa harapan at doon nakita ko ang nanliliksk na mga mata ng prof namin.
" Yes Sir? " pormal kung sabi.
" Are you sleeping in may class!? " galit nitong tanong sa akin.
" Yes Sir! "
Mukhang hindi niya yata inaasahan ang pag-amin ko. Totoo naman kasing nakatulog ako.
" You! Go to Dean office. Now! " galit nitong sabi.
Tumayo naman ako saka kinuha yung bag ko at sinunod yung sinabi niya. Masunurin akong bata e.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob ng office ng Dean.
" Yes Ms. " biglang bungad sa akin nong babae na nakaupo sa harapan ng mesa.
Saglit ko siyang tinitigan. Kung hindi ako nagkakamali may kaedaran na ito. Pero ang ganda niya parin.
" Eh kasi Dean. Pinapapunta ako ng Prof namin dito. " nahihiyang sabi ko sa kanya, saka umupo sa harapan niya.
Nakakahiya naman kasi eh. Dahil ito ang unang beses na napunta ako sa Dean office.
Pansin ko naman ang pagkakunot ng noo nito at pagtaas ng kilay dahil siguro sa biglang pag-upo ko sa harapan niya kahit hindi niya pa sinasabi.
" Why? May ginawa kaba? "
" Meron po. Sinagot ko lang naman yung tanong niya kung natutulog ba daw ako sa klase niya. "
" Do you? "
" Opo Dean. Sinagot ko siya ng totoo kaya nagulat ako ng bigla niya nalang ako pinapapunta dito. "
Kumunot naman yung noo ko ng makita ko yung gulat at pagkamangha sa mga mata niya. Pero nawala agad ng pagkakunot ng noo ko ng ngumiti ito.
" Alam mo namang bawal matulog sa klase diba Ms- "
" Ignacio po. Reign Ignacio, Dean. " nakangiting sabi ko sa kanya.
" Ms. Ignacio, hindi kita paparusahan ngayon. Pero sana naman huwag na ito maulit pa. " sabi nito sa akin.
Nakangiting tumango naman ako sa kanya at nagpasalamat saka lumabas ng office niya. Total breaktime naman, sa likod muna ako ng building tatambay para matulog.
" Ano ba! Pwede bang tigilan niyo na kami!? "
" Ano ba talaga ang problema niyo? Wala naman kaming- "
BINABASA MO ANG
Lady Boss
ActionShe is a lady with strong personality. She wants to protect her people. But, She didn't want her to be protected.