Napahikab ako habang naglalakad sa hallway papasok ng room namin. Hindi kasi kaagad ako nakatulog kagabi dahil umuwi muna ako sa amin para ihatid yung sahod ko. At tulad ng pangako ko, ibinigay ko kay Abby yung kalahati ng sahod ko... At ang bruha sobrang saya, aabot din kaya ng isang linggo yung ibinigay ko sa kanya... Hindi din yun muna papasok ngayon dahil ipapacheck up nila yung kapatid nila na may sakit.
Pagdating ko sa room, napahinto pa ako sa may pinto ng mapansin ko yung mga lalake na ngayon ko lang nakita.. mukhang sa ibang section yata sila. Pansin ko rin yung mga kaklase ko na sobrang tahimik habang nakatingin sa akin.
" Good morning! " nakangiting bati ko sa kanila na as if naman na babatiin din nila ako.
Nagpatuloy nalang ako sa paglakad papunta sa upuan ko... Kaya lang itong mga whoever na ito bigla ba namang humarang sa dinadaanan ko. At hindi ko maiwasan na mapataas yung isang kilay ko dahil sa ginawa nila.
" Ikaw ba si Reign? " maangas nitong tanong.
" Dapat ko bang sagutin ng maayos ang tanong mo? " nakangisi kung sabi.
Mukhang pikon ang isang toh. Bigla ba naman akong hinawakan sa kwelyo at hinila papalapit sa kanya.
" Kung tinatanong ka ng maayos.. sumagot ka ng maayos! " sabi nito at patulak akong binitawan.
Muntik pa nga akong matumba kung hindi lang ako nakahawak sa sandalan ng upuan.
" Matapang nga ito.. gusto mo turuan namin ng leksyon para matuto? " rinig kung sabi nong isa.
Umayos ako ng tayo at bagot na tumingin sa kanila. Yung para bang pinapakita ko sa kanila na hindi ako intiresado sa kung ano man ang gagawin nila.
" What's happening here. " kung sinswerte ka nga naman o.. mabuti nalang dumating na yung prof. namin. " Mr. Drilon, what are you doing here? Hindi ba dapat nasa klase na kayo ng ganitong oras. " galit na sabi ng prof. namin.
Ngisi-ngisi akong nakatingin sa kanila na halata namang inaasar ko sila. Lumapit pa ito sa akin at hindi man lang pinansin si prof.
" Pasalamat ka dumating yung prof. niyo. "
" Yeah! You better thank you. " sabi ko din sa kanya.
Sobrang sama naman ng tingin nito sa akin. Saka ako binangga sa balikat at tuluyan ng lumabas ng room... Pero kung ano ang ginawa niya bago umalis.. yun din ang ginawa ng mga kasama niya. Kaya sa madaling salita MASAKIT YUNG BALIKAT KO!
Padabog akong umupo sa upuan ko pagkaalis nila. Kasi naman nakakabwesit yung ginawa nila.. okay na sana na siya lang yung bumangga sa akin! Pero bakit lahat pa sila?! Sure akong mamamaga itong balikat ko.
Nauna pang lumabas ang mga pasaway kung kaklase kaysa sa prof namin matapos itong maglecture. Breaktime na kasi kaya parang daig pa ang baboy ramo sa pag-uunahan sa paglabas ng pinto... Ako naman e tumambay muna ako dito sa room ng mga ilang minuto para marelax itong balikat ko bago lumabas. Hindi naman siya gaano kasakit kumpara kanina.. gusto ko lang talaga marelax yung balikat ko.
Hindi pa naman ako nagugutom kaya nag-ikot-ikot muna ako sa campus para naman makabisado ko tong lugar na toh. Kaya lang mukhang tinatawag yata tayo ng kalikasan kaya kailangan kung pumunta sa banyo para ilabas ito.. para hindi tayo magkaroon ng bato sa puson. Dahil alam niyo na bawal tayo magkasakit.. magagalit si mother. Hehehe...
Pagkapasok ko sa may banyo ng mga girls, agad naman akong pumasok sa isang cubicle na nandon.. saka ilabas ang dapat ilabas. Lumabas na ako sa cubicle matapos kung umihi.. kasabay non ang paghinga ko ng malalim ng ako nalang ang tao sa loob ng banyo. Kanina kasi pagkapasok ko naabutan ko pa yung mga schoolmate ko na nagpapaganda dito. Tapos ngayon parang magic na bigla nalang silang nawala at ako nalang isa ang naiwan... Naghugas lang ako ng kamay at hindi pinansin yung apat na lalake ng lumabas sa cubicle. Hindi ko sila pinansin at wala akong pinakitang reaksyon. Kahit ni takot wala! Kahit na nakakatakot yung mukha nila.
BINABASA MO ANG
Lady Boss
ActionShe is a lady with strong personality. She wants to protect her people. But, She didn't want her to be protected.