Napatingin ako sa salamin ng kwarto namin, tinitingnan ko kasi yung sarili ko kung maayos ba ang suot ko. Nakakainis nga eh! Mas lalo lang akong gumanda. Hahaha....
" Anak! Hindi ka pa ba dyan tapos? Naghihintay na si Abby sa labas. " rinig kung sigaw ng Nanay sa labas ng kwarto.
" Nandyan na po Nay! "
Kinuha ko na yung bag ko saka isinakbit ito sa balikat at lumabas na ng kwarto. Napatingin ako kay Nanay na nag-aayos ng gamit sa may salla.
" Aalis na po ako Nay. " sabi ko dahilan para mapatingin siya sa akin.
" Teka lang yung baon mo. " sabi nito at kukuha na sana siya sa bulsa niya ng pigilan ko siya.
" Huwag na po Nay, may pera pa naman ako dito. Itabi niyo nalang yan para sa gastusin dito sa bahay. " nakangiting sabi ko sa kanya.
Nakangiting tumango nalang ito saka ako hinalikan sa pisngi.
" Mag-iingat kayo. " sabi nito sa akin.
Tumango naman ako sa kanya saka nagpaalam na at lumabas na ng bahay. Agad naman akong napatingin kay Abby na nakatalikod at mukhang nagmamaktol na. Lumapit ako sa kanya sabay akbay sa kanya.
" Tara na. " nakangiting aya ko sa kanya.
" Bakit ba ang tagal mo? " inis nitong tanong sa akin.
" Marami pa kasing bilin si Nanay eh. " pagsisinungaling ko sa kanya.
Napangiti naman ako ng bigla nalang lumambot ang mukha nito na alam kung hindi na ito papalag pa. Naglakad na kami papunta sa paradahan ng jeep kung saan naghihintay ang tatay niya. Dahil mabait akongbata, nagmano ako kay tatay. Tatay na kasi ang turing ko sa kanya simula ng dumating kami ni Nanay dito. Kaya hindi lamg bestfriend ang turingan namin ni Abby sa isat-isa, kung hindi parang magkapatid na rin kami.
Umalis na kami ng mapuno ang jeep ni Tatay. Pasukan na kasi, kaya idadaan lang kami ni Tatay sa school na papasukan namin.
Nagpaalam na kami kay Tatay pagkarating namin sa school at saka pumasok sa loob ng campus. Gate palang pangmayaman na kaya hindi na ako nagulat ng bumungad sa akin ang naglalakihang building dito.
" Besh, ang ganda dito. " manghang sabi ni Abby.
" Alam ko. " sabi ko saka siya hinila.
Hinanap na namin yung office ng Dean para magpasa ng requirements namin. Pagkatapos non hinanap na namin yung mga room namin.
" Sana pala nagshift ako ng course noh, para magkasama tayong dalawa Reign. " sabi nito.
" Tanga kaba!? At talagang naisip mo pa ang bagay na yan? 4th year college na tayo at ngayong mo pang naisipan mag shift. Eh kung upakan kaya kita dyan! " inis na sabi ko sa kanya.
Sumimangot naman ito. Baliw kasi! Magshift ng course kung saan malapit na kaming magraduate. At isa pa, hindi niya naman gusto yung course ko. Designer kasi ang kinuha nito at ako naman ay business management. Bakit yun ang kinuha ko? Gusto ko lang matutunan about sa business. At someday baka magkabusiness partner pa kami dalawa ni Abby dahil sa course niya diba?
Nauna naming nahanap yung room niya. Kaya mag-isa nalang akong hinanap ang room ko. Hindi namin pwedeng sumama pa siya sa akin noh. Baka pagkamalang buntot ko siya. Joke!
BINABASA MO ANG
Lady Boss
ActionShe is a lady with strong personality. She wants to protect her people. But, She didn't want her to be protected.