Chapter 21

3.2K 101 4
                                    

Sa mahabang byahe ng pagmamaneho ko nakarating din ako sa address na kung saan ko matatagpuan yung mga tarantadong yun. Talagang ang layo pa ng pinadalhan nila ng pera ha. Isang warehouse na kung saan, pagmamay-ari nong sinasabi ni Abby na boyfriend ni Greta.

Normal lang ako naglalakad papalapit sa pinto ng warehouse at walang pakialam kung meron mang makakita sa akin. Sakto namang paglapit ko sa pinto at siyang pagbukas nito. Nagkatinginan pa kaming dalawa at halata sa mukha niya yung gulat.

" Hi! " nakangiting bati ko dito.

Bago pa man siya makareact, sinipa ko na siya ng malakas dahilan para mapabalik siya sa pinanggalingan niya. At dahil bukas naman ang pinto, pumasok na din ako sa loob.

" Hello schoolmate! Specially to you Mr. Jimenez. " nakangiting bati ko sa kanila.

At kita ko yung gulat sa mga mukha nila na para bang hindi makapaniwala na nasa harapan nila ako ngayon.

" Who are you?! At paano mo nahanap ang lugar na toh? " galit nitong sabi.

" Ako? Kaibigan lang naman ng taong ibininta niyo. At sa pangalawa mong tanong.. hindi mo na kailangan malaman pa. " sabi ko dito na ikinapikon niya.

" Ikaw na naman?! Bakit ba lagi ka nalang nangingialam! "

Biglang kumulo ang dugo ko ng marinig ko yung nakakarinding boses ng babaeng yun... Napatingin ako sa kanya na may matalim na titig na ikinatigil niya.

" Yeah! Its me again. At nandito ako para maningil sa ginawa niyo sa kaibigan ko. At nandito ako para gawin ulit yung ginawa ko sayo noon. " malamig kung sabi dito.

" A-ako bay tinatakot mo?! "

' Bakit nauutal ka. '

" Matapang ka ha.. kung ako sayo umalis kana habang may oras kapa. " maangas na sabi ni Jimenez.

" Kung ako sayo.. umalis kana kung ayaw mong matulad sa kaibigan mo. " isa pa tong malandi na toh.

" Malamang nagpapasarap na yun ngayon. " natatawang sabi nong isa para magsitawanan rin silang lahat.

Nanginginig na nakakuyom yung kamo ko dahil sa galit na nararamdaman. Lalo na at maalala ko yung ginawa nila sa kaibigan ko!

Anong tingin nila kay Abby. Gamit na basta-basta nalang ibibinta? Tangina! Hindi nila pagmamay-ari ang kaibigan ko.

" Unfortunately! Hindi natuloy ang gusto niyo. Because nasa bahay na ngayon ang kaibigan ko at mahimbing na natutulog. " nakangising kung sabi. " At nandito ako ngayon para maningil. " dagdag ko pa.

Gulat naman silang napatigil at hindi makapaniwalang nakatingin ngayon sa akin.

" Walang hiya ka talaga. Kahit kailang napakaalamera mo! " galit na sigaw ni Greta.

" Maningil?! Wala kaming utang sayo! " galit namang sigaw ni Jeminez.

" Ngayon meron na! " nakangisi kung sabi.

At bago pa man sila makareact, mabilis na akong lumapit sa kanila at iniisa-isa silang pinatumba lahat. Kahit ni isa ay hindi ko silang pinagbigyan na makasuntok man lang sa akin. Dahil first of all, hindi nila kayang sabayan ang bilis ko sa pagtira sa kanila. And second, hindi ko sinasayang ang oras ko sa mga taong walang kakwenta-kwenta. Kaya ayon bagsak ang mga kampon nina Jimenez at Greta.

" W-who are you? " nanginginig na sabi ni Greta.

" Sana inalam niyo muna ang bagay na yan bago niyo gawin yun sa kaibigan ko. " malamig na sabi ko dito.

Napatingin ako kay Jimenez ng may kinuha ito likod niya at biglang sumugod sa akin.

Nakangisi akong napatingin sa kanya ng mahawakan ko yung kamay niyang may patalim. At gulat naman siyang napatingin sa akin.

" Hindi ang isang tulad mo ang magpapatumba sa akin. " sabi ko dito.

Iniikot ko yung kamay niya para makaramdam siya ng sakit at mabitawan niya yung patalim na hawak niya. Napangisi pa ako ng marinig ko yung sigaw niya dahil sa sobrang sakit. Pero agad din akong napabitaw sa kanya ng tangkain ako nitong sikmurahin gamit yung isa niyang kamay... Galit na galit naman itong tumingin sa akin at sumugod na hindi nag-iisip. Iwas lang ako ng iwas sa mga suntok niya. Pero sa pag-iwas ko binibigyan ko naman siya ng malalakas na suntok sa tagiliran niya. Kaya ayun, hirap na hirap makatayo ng maayos.

" Kaya pa ba? " mapang-asar na tanong ko dito.

" Baliw ka. " sabi nito at muling sumugod sa akin.

Napatingin ako sa relo ko kasabay non ang paglaki ng mata ko ng makitang magmamadaling araw na pala. Kaya kailangan ko na itong tapusin. Kaya sa paglapit niya ay agad ko siyang binigyan ng flying kick dahilan para tumama sa ulo niya yung sipa ko at mawalan ng malay. Yeah! Hindi pa siya patay.. hindi naman gaano kalakas yung sipa ko. Sapat lang yun para mawalan siya ng malay. Pagkatapos non, nakangisi naman akong nakatingin sa isang natitira na lang na ngayon ay hindi maipinta yung mukha niya dahil sa takot.

" H-huwag kang l-lalapit.. huwag kang lalapit... P-please! Stop. " nagmamakaawa nitong sabi at napapaatras pa.

" Nong nakiusap sa inyo ang kaibigan ko.. pinagbigyan niyo? Diba hindi! Tapos ngayon nagmamakaawa ka sa akin? Dapat ko bang ibigay yun sayo?! " malamig na tanong ko dito at unti-unting lumalapit sa kanya.

" S-stop! Please stop.. "

" Kung ibinta din kaya kita tulad ng pagbinta niyo sa kaibigan ko. " nakangising sabi ko dito.

" N-no.. no.. no... Parang awa mo na huwag mong gawin yun sa kaibigan ko. " nagmamakaawa nitong sabi at may paluhod-luhod pa sa harapan ko.

" Awa? Yeah! Naaawa ako sa kaibigan ko! Pero sa taong tulad niyo.. huwag kanang mag expect na magagawa ko ang bagay na yun. " galit kung sabi at saka sinampal niya ng malakas yung siguradong malalasahan niya yung dugo sa bibig niya. " Isang malakas na sampal sa ginawa mo sa kaibigan ko. " muli kung sabi saka pinalo ko yung leeg niya dahilan para mawalan siya ng malay.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko ng matapos na ako sa kanilang lahat.

" Wala ka talagang pinagbago.. gagawin ang lahat para sa taong mahalaga sayo. "

" True.. kahit yung kamay niya pa ang madungisan. "

Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang ng warehouse. Habang pailing-iling pang nakatingin sa mga taong nakahandusay sa sahig na walang mga malay.

" Mahal mo talaga ang kaibigan mo noh? " nakangiting nitong sabi sa akin.

" Correction! All of you. " nakangiti kung sabi sa kanila.

At para naman silang tangang nag-apiran na dalawa.

" Anong gagawin namin sa kanila? " tanong nito.

Muli akong napatingin sa mga taong tinutukoy niya saka muling tumingin sa kanila.

" Tulad ng dati. Make them suffer. " sabi ko at tumalikod na para umalis ng warehouse na yun.

" Got it Boss. " huli kung narinig bago ako tuluyang makalabas ng warehouse.

Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon