" Ano kaya pa?! " maangas na tanong ko sa kanila habang hinahabol ko yung hininga ko.
Akala ko kasi madali lang silang patumbahin. Pero tang*na! Inabutan na ako ng gabi ng napatumba ko sila. At mukhang hindi pa yata sumusuko yung iba sa kanila. Nagagawa pa kasing tumayo e.
" Ang lupit niyo din no? " inis na sabi ko.
Ako na ang unang sumugod sa kanila.. kahit nanghihuna na yung katawan ko at nakakaramdam na ng pagod. Nagagawa ko parin silang patumbahin, dahil ayaw kung mamatay sa mga kamay lang nila.
Nanghihina akong napahawak sa motor ko ng wala na silang mga malay na nakahiga sa lupa. At ng nakabawi na ako ng lakas saka ko lang kinuha ang phone ko at tinawagan ang isa pang taong pinagkakatiwalaan ko.
" Kamusta Carter. " bungad nito pagkasagot ng tawag ko.
" Buhay pa naman. " sabi ko na ikinatawa naman nito. " Nga pala may ipapalinis ako sayo. "
" Tamang-tama wala akong ginagawa ngayon. " sabi nito na mukhang alam na nito ang tinutukoy ko.
" Good! Bilisan mo dahil baka magising ang mga ito at makatakas pa. " sabi ko saka sinabi sa kanya yung address.
Matapos ko siyang tawagan agad akong sumakay sa motor ko at saka umalis na don... Nakarating ako sa bahay nila Abby na kanina ko pa gustong puntahan kung hindi lang naging estorbo yung mga bwesit na yun... Nasabi ko na ba sa inyo na bumalik din sa dating bahay namin sina Abby pagkaraan ng ilang araw? Nakwento kasi sa akin ni Jick na hindi na daw komportable ang mga magulang nito sa bahay nila. Kaya napilitan si Abby na bumalik nalang sa bahay namin. Kaya nandito ako ngayon nakatayo sa harap ng bahay. At kahit dating bahay namin to, kailangan ko paring kumaton, baka kasi magulat ko sila kapag pumasok nalang ako bigla.
" Uhm.. H-hi. " nakangiti bati ko dito.
Halata sa mukha niya yung pagkagulat ng makita ako na mukha hindi niya yata inaasahan na pupunta ako.
" Bakit ka nandito? " tanong nito na ikinangiwi ko ng halata sa boses niya na ayaw niya akong makita.
" N-nalaman ko yung nangyari sa inyo.. gusto kitang puntahan dahil na- "
Hindi na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya nalang ako yakapin. Pero sa halip na magulat, napangiti nalang ako ng marinig ko ang pag-iyak niya.
' Iyakin parin. '
Inakay ko siya papasok sa loob ng bahay, pinaupo ko naman siya sa sofa saka muling tumayo at isinarado yung pinto.
" Okay kana ba? " tanong ko dito ng makaupo ako sa harapan niya.
" Paano ako magiging okay kung hanggang ngayon nasa hospital parin si Papa. " naiiyak nitong sabi. " Nahihirapan na ako Reign, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. " dugtong pa nito.
Niyakap ko naman siya ng muli itong humagulgol ng iyak sabay hagod sa likod niya... Hindi ko alam pero, ako yung nasasaktan para sa kaibigan ko.
" Alam kung napahirap ng sitwasyon mo Abby. Pero tulad ng sabi ko sayo noon, dapat mong kayanin. " mahinahon kung sabi dito. " At hindi dahilan ang paghihirap mo para huminto ka sa pag-aaral. " dugtong kapa dito.
Natigilan naman ito sa sinabi ko saka humiwalay at tumingin sa akin. Ngumiti lang ako dito pero seryuso yung mukha niya.
" Ganyan ka din ba, Reign. Kinakaya mo ang lahat kahit nahihirapan kana? " sabi nito at alam ko kung ano ang tinutukoy niya.
BINABASA MO ANG
Lady Boss
ActionShe is a lady with strong personality. She wants to protect her people. But, She didn't want her to be protected.