Chapter 56

2.8K 70 12
                                    

Agad namang hinawakan ni Reign ang kamay ni Jiminez saka inilihis ang kamay nito kasabay ng pagputok ng baril nito sa ibang deriksyon na dapat sa kanya. Malakas namang hinila ni Jiminez ang kamay sa pagkakahawak ni Reign at matalim niya itong tiningnan.

" Nagpapakitang gilas ka ha. " nakangising.

" Nagsisimula palang tayo Jiminez, wala pa yun sa kalahati ng galing at husay ko. " nakangisi namang sabi sa kanya ni Reign.

Matalim niyang tiningnan si Reign at muling sumugod dito. Palitan ng suntok, sipa at ilag pareho nilang ginagawa. At doon lang din napagtanto ni Reign na kakaiba si Jiminez sa mga ibang tauhan ni Allen. Dahil mabilis din kumilos si Jiminez at mukhang sumalang talaga ito sa pag-eensayo. Dahil kahit anong bilis niya sa pagsuntok at pagsipa ay nasasabayan naman ni Jiminez ang bawat galaw niya.  Pero may isang bagay hindi na alam ni Jiminez, yun ay nasa 30% palang ang lakas niya kumpara kina Reign at sa Boss niya si Allen. Malakas na suntok ang pinakawalan ni Reign ng nasa harapan niya na si Jiminez, dahilan para ito matumba at mapaupo sa lupa.

" Pagod kana ba? " nakangising tanong sa kanya ni Reign.

" Nagsisimula palang ako. " sabi naman ni Jiminez saka tumayo at inalabas yung kutsilyo na kinuha niya mula sa likuran niya.

" Yan ba ang paraan mo para manalo. "

" Oo! At ito din ang papatay sayo! " nakangising parang demonyong sabi ni Jiminez saka sumugod kay Reign.

Nakatayo lang si Reign sa kanyang pwesto habang hinihintay na lumapit sa kanya si Jiminez. Pero bago pa man ang lahat may isang taong biglang humarang sa harapan ni Reign dahilan paramangunot ang kanyang noo at mapatigil sa paglapit si Jiminez sa kanya.

" Ako ng bahala dito Reign. "  sabi nito na ang mga tingin ay na kay Jiminez.

" Tsk! Bakit ka nandito, wala ka bang trabaho?! "

" Nandito ang tinatrabaho ko. " sabi naman nito na matalim na tiningnan si Jiminez.

" Isa ka pa! Ayaw mo talaga akong tantanan bwesit ka! "  galit namang sabi ni Jiminez sa lalakeng nasa harapan niya ngayon.

" Tumahimik kang g*g* ka! Marami kang atraso na dapat pagbayaran! " galit namang sabi niya dito.

Napakibit balikat nalang si Reign dahil mukhang alam niya na kung bakit nandito ang isang to. Sa uri ba naman ng pagkatao ni Jiminez, malamang marami itong illegal na ginagawa bukod sa pagiging tauhan nina Allen. Malas niya lang dahil ang kaibigan pa ni Reign ang naka assign sa kanya para hulihin ito, dahil tiyak na hindi ka talaga titigilan nito.

Lumapit siya sa kaibigan at hinawakan ang balikat nito dahilan para mapatingin ito sa kanya.

" Huwag mo masyadong galingan ha. Baka mapatay mo. " nakangiting sabi sa kanya ni Reign na ikinangisi naman nito.

" Tsk! Sige na, umalis kana at ng matapos na ang lahat ng ito. " sabi naman nito kay Reign.

" Sabi mo e. " napatingin naman ito kay Jiminez saka ngumisi na para bang nagpapahiwatig na dapat kabahan si Jiminez dahil hindi lang isang pulis ang makakaharap niya ngayon, kundi isa rin sa mga kaibigan at meyembro ng organisasyon ni Reign ang makakaharap niya ngayon. " Be safe Paolo. " dagdag pa nito saka tuluyan ng umalis sa dalawang taong maghaharap ngayon.

Patakbong lumalapit ngayon si Reign na kung saan nandon ang dalawang taong kailangan niyang makaharap at ng matapos na ang lahat ng ito. Pero sa bawat dinadaanan niya ay may mga kalaban na humaharang sa kanya na agad niya namang napapatumban. Kaya nga lang matatagalan siya sa pagpasok sa mansion dahil mas lalong rumarami ang mga tauhan ni Allen.

Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon