* Abby POV *
Hilang-hila ako ni Reign habang papalabas kami ng room. At habang hilang-hila niya ako, hindi ko maiwasang mapaisip about sa nangyari kanina... Matagal na kaming magkakilala ni Reign simula nong lumipat sila sa bayan namin. At kahit bagong salta palang sila ng nanay niya.. naging malapit na kaagad ang loob namin sa isat-isa... Hindi dahil sa maganda lang siya, kundi nakakahanga yung kabaitan at pagiging matulongin sa amin at sa ibang tao... Kaya lang hindi ko rin lubos maisip na simula nong dumating siya sa bayan namin. At simula nong makaharap niya ang mga tarantado sa amin.. nagbago ang mga ito.
Lahat sila ay takot kay Reign at hindi lang iyun, napapasunod niya pa ang mga ito. Napapansin ko din na sa tuwing nagagalit siya.. nagbabago din ang ugali nito. Ugali na nakakatakot, pagiging seryuso niya at hindi ko talaga makikita sa kanyang yung nakilala kung Reign. Kaya minsan hindi ko rin maiwasan matakot. Hindi para sa akin kundi para sa mga taong masasaktan niya. Kaya maraming katanungan sa isip ko na gusto kung masagot niya.
' Sino ba talaga si Reign? At anong klaseng tao siya? '
Napakurap-kurap ako at napahawak ako sa noo ko ng bigla ako nitong pitikin.
" Pasalamat ka pinitik lang kita, dahil kung hindi sasampalin talaga kita. Kanina pa ako nakatayo sa harapan mo.. tapos ikaw kanina pa tulala?! " inis nitong sabi.
' Mukhang bumalik na ang dating ugali nito. '
Napatingin naman ako sa paligid ko at laking gulat ko ng mapansing kung nasa labas na kami ng school!
" P-paano tayo nakalabas? " gulat na tanong ko sa kanya.
" Sinipa kita papalabas ng school saka ako sumunod. " seryusong nitong sabi.
" Totoo? "
Pansin kung kumunot ang noo nito at maya-maya lang tumawa ito ng malakas... Napabuntong hininga nalang dahil sa kalukuhan ng babaeng toh... Kaya minsan mas gugustuhin ko nalang talaga na lagi siyang seryuso. Lagi akong nabibiktima sa mga kalukuhan niya e.
" Okay kana ba? " bigla seryusong tanong nito sa akin.
Nakangiti naman akong tumango sa kanya at bigla siyang niyakap na alam kung ikinagulat niya.
" Thank you sa pagtulong sa akin, Reign. "
Ramdam ko naman tinapik ako nito sa balikat.
" Kaibigan kita kaya dapat lang tulongan kita.. at walang sino man ang pwedeng manakot sa kaibigan ko. " seryuso nitong sabi.
Napangiti naman ako sa sinabi niya at hinalikan siya sa pisngi saka lumayo na sa kanya... Pero bago pa man siya magsimulang maglakad.. may tanong ako na nakapagpatigil sa kanya.
" Sino kaba talaga Reign? " seryusong tanong ko sa kanya.
" Bakit natatakot kaba sa akin? nakangiting nitong tanong ng humarap ito.
Mabiling naman akong umiling ng ikinalaki ng ngiti niya sa muling tumalikod ulit at muling nagsalita.
" Huwag ka ng magbalak pa na kilalanin kung sino talaga ako Abby... Dahil baka yun ang isa sa mga dahilan para makaramdam ka ng takot sa akin at mawalan ako ng kaibigan. At ayaw kung mangyari ang bagay na yun. " sabi nito at sinimulan ng maglakad.
BINABASA MO ANG
Lady Boss
ActionShe is a lady with strong personality. She wants to protect her people. But, She didn't want her to be protected.