Chapter 62

2.8K 66 11
                                    

* Prince POV *

Its been 2 weeks ng matapos ang lahat ng nangyari, nalagay narin sa maayos ang lahat. At ang bawat isa ay may magandang pamumuhay. Except me. Yeah maliban lang sa akin, dahil simula nong lumabas siya ng hospital ay hindi ko na siya nakita. Hindi ko alam kung san siya pumunta o nagtago. Gusto ko siyang hanapin pero pinigilan ako ni Brent na gawin ang bagay na yun, dahil desisyon daw ni Reign na lumayo-layo muna. Kaya hindi na ako nagmatigas pa, dahil alam kung babalik din siya. Kaya kailangan kung magtiis kahit na sabik na sabik na akong makita siya at mahagkan. Kaya sa mga araw na nagdaan, ginugol ko ang lahat ng oras ko sa pagtratrabaho, wala akong naging pahinga dahil alam kung yun lang ang tanging paraan para makalimutan ko siya kahit saglit lang.

Bukod kasi sa pagtratrabaho ko sa sarili kung kumpanya, ako na ang pinahawak  ni Mr. Carter sa organisasyong hinawakan niya. Pansamantala lang naman yun hanggang sa bumalik ang anak niya. Na hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang gawin gayong nandyan naman ang mga kaibigan ni Reign na may mas alam sa organisasyong hawak nila. Nagtanong naman ako sa kanya about don, kaya lang hindi niya naman ako sinagot.

At ngayong araw na ito ay busy ang lahat dahil ngayon na gaganapin ang araw ng kasal ni Sage at Celine. You heard it right! Matagal ko ng tanggap na hindi na muling bubuo pa ang pamilya na binubo namin ni Celine noon. Dahil alam kung iba na ang tinitibok ng  puso nito at alam kung wala na akong puwang sa puso niya kundi bilang ama nalang ng anak niya. At naiintindihan ko naman ang bagay na yun, dahil bago ko pa man malaman na buhay siya, iba na ang tinitibok ng puso ko. Ang taong pumuna ng pagkukulang sa buhay ko at naging ina ni Keagan kahit pansamantala lang.

Kaya nong mga panahong muntik na siyang mamatay at mawala sa mundong ito. Talagang sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa kanya. Ako ang siyang dahilan kung bakit nakilala siya ni Mr. Chui. ako ang dahilan kung bakit muling gumulo ang mapayapang buhay na gusto niya. At dahil sa akin, alam kung nasasaktan siya ng sobra-sobra. Kung sana pinakinggan at inintindi ko siya sa bagay na yun, na kung bakit nagawa niyang ituro kami na kami ang pumatay sa asawa ni Mr. Chui, masasamahan ko sana siya sa lahat ng laban niya at hindi niya mararanasan ang sakit ng muntik ng pagkamatay.

Alam kung huli na para sisihin ang lahat ng nangyari. Ang magagawa ko lang ay hintayin ang pagbalik niya at bumawi sa kanya. At iparamdam ang pagmamahal na dapat noon palang ay ginawa ko na.

" Ang lalim naman ng iniisip mo. "  napatingin ako sa taong biglan nalang sumulpot sa likuran ko.

" Bakit nandidto kapa? Dapat ikaw ang mauna sa simbahan diba. " sabi ko dito

Inabot niya naman sa akin yung isang basong wine na kinuha ko naman at ininom.

" Si Reign, tama ba? " sabi nito na hindi ko ikinasagot. " Huwag mo siyang masyadong isipin, mas lalo ka lang mahuhulog sa kanya. " sabi nito sabay tawa ng malakas.

Kung hindi ko lang talaga kilala ang ugali nito, ako mismo ang gagawa ng paraan para hindi maituloy ang kasal nila ni Celine.

" Kung ako sayo, pupunta nalang ako ng church at ng mabasbasan ka bago kayo maikasal ni Celine. Para naman mabawasan yang kademonyuhan mo. " sabi ko na ikinatawa niya nalang.

" Pero seryusong usapan pare. Huwag  kang masyadong mag-alala sa isang yun, sigurado akong okay lang yun. At isa pa, alam kung babalik yun kaya maghintay ka lang. " sabi nito at umalis na.

Wala naman akong sinabing hindi siya babalik ha. Dahil alam kung babalik at babalik siya.

Inubos ko na yung wine at sinukot na yung tuxedo saka nagmaneho patungong simbahan. Maraming bisitang dumalo, at halos lahat ng mga bisita niya ay mga tauhan ni Reign.  I forgot, hindi pala tauhan ang turing nila sa mga kasama nila, kundi pamilya nila. Dahil yun daw ang isang bagay na tinuro sa kanila ni Reign. Tratuhin mong pamilya ang mga taong naglilingkod sayo.

Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon