Chapter 63

2.8K 63 6
                                    

* Reign POV *

Nakangiti kung pinagmasdan sina Prince at Celine habang nagsasayaw sa gitna ng dance ball. Kakatapos lang ng kasal nila Celine at Sage, at ito kami ngayon nagsasaya para sa bagong kasal. Lahat ay masaya maging mga kagrupo namin ay nagkakasiyahan kasama ang pamilya nila. Lahat kasi invited sa kasal nila. Kaya talagang maraming bisita ang nagsidalo. Mabuti nga ngayong gabi ay kunti nalang yung mga bisita. Nagsiuwian na kasi yung iba dahil masyado ng gabi. at yung mga bata narin ay pinauwi ko na matapos kong makipagkulitan sa kanila.

" Hindi na mawala-wala yang ngiti sa labi mo ha. " sabi ko kay Sage na parang asong ulol na kanina pa nakangiti.

" Habang buhay ng nakaukit ang ngiting ito sa labi ko. Dahil ngayon, talagang masasabi kung pagmamay-ari ko na ang babaeng pinapangarap ko noon. " nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa gitna ng dance ball. Kita mo rin sa mga mata niya na masaya siya.

" Tsk! Ang lakas talaga ng tama mo sa kanya. " sabi ko na ikinangiti niya lang. " By the way, hindi na kita pagsasabihan pa. I know you Sage, simula pa noon. Kaya alam kung aalagaan mo si Celine sa magiging pamilya niyo, higit pa sa ginawa mo sa akin. " sabi ko dito.

" Hindi mo na kailangan pang ipaalala yan Reign. Dahil alam ko na ang bagay na yan bago ko pa pinasok ang buhay ng mag-asawa. And alam natin na ako ang malalagot sayo kapag nagloko ako diba? " sabi nito na ikinangisi ko lang.

Saglit kaming natahimik at napatingin sa dalawang taong kanina pa sumasayaw. Kita mo sa kanilang mga mukha na pareho silang masaya habang nag-uusap. Kung dati ang bigat-bigat sa pakiramdam na makita silang dalawa na magkasama at magkadikit. Pero ngayon parang nawala na yung mabigat sa dibdib ko, hindi na ako nasasaktan at makaramdam ng kunting selos sa kanilang dalawa. Sa lahat ng nangyari sa akin, sa amin. Ngayon lang gumaan ng ganito kagaan ang dibdib ko.

" Thank you pala at nakarating ka sa mismong araw ng kasal ko Reign. " biglang sabi ni Sage.

" Pwede bang hindi? " nakangitng sabi ko diba. " Diba nangako ako sa inyo kina Jick, at Rory na aattend ako sa kasal niyo. " dagdag ko pa.

" And thank you dahil tinupad mo yung promise mo. " sabi nito. " Pero talagang bang yung kasal ko ang dahilan kaya ka bumalik o si Prince. " dagdag pa nito na ikinatawa ko lang dahilan para mapatingin sa amin sina Prince.

Ngumiti lang ako dito at nagsenyas na ituloy lang nila yung sayaw nila. Nagulat naman ako ng bigla akong yakapin ni Sage.

" Ngayon ko lang sasabihin ang bagay na to Reign. " seryuso nitong sabi. " Maswerte kami dahil ikaw yung naging boss namin. Hindi mo kami tinuring na mga tauhan mo lang, pero tinuring mo kami bilang kaibigan at pamilya mo. "

" Yun naman kasi dapat diba? Ang ituring kayong parte ng pamilya ko, dahil alam kung ganun din kayo sa akin. " sabi ko dito at ramdam ko yung paghigpit ng pagyakap niya sa akin.

" Yeah! " sabi nito na mas humigpit pa ang pagkakayap niya sa akin. " Hindi man natin nakasama si Sun, alam kung masaya siya sa nangyayari sa atin ngayon, lalo na sayo Reign. Dahil karapatan mong sumaya, at masaya kaming nakikita kang masaya " dagdag pa nito na ikinangiti ko lang.

" Ehem! Masyado ng mahigpit ang yakap mo sa kanya Sage. " sabi nito saka hinila si Sage papalayo sa akin.

Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon