Naunang sumugod ang tauhan ni Mr. Chui, pero agad namang nasalag ni Reign ang kamao nito saka binigyan ng isang malakas na suntok sa sikmura nito, dahilan para itoy mapayuko sa sakit. Hinawakan niya naman ang kamay nito na sanay susuntok sa kanya, kasabay non ang pag-ikot niya sa likuran nito at saka siniko ng malakas. Dahil sa kagagawan niya, galit at malakas na kumawala sa kanya ang kalaban kaya agad siyang lumayo dito.
Nakangisi lang nakatingin si Reign sa kalaban na tila ba nang-iinsilto ito at naghahamon sa kaharap. Kaya mas lalo itong nagalit at muling sumugod sa kanya... Umikot si Reign at sa pagharap niya ay ang pagsalubong ng kalaban sa isang malakas niyang sipa at tumama ito sa mukha niya dahilan para ito'y tumalsik. Hindi pa nakuntento si Reign sa kanyang ginawa, tumakbo siya papalapit sa kalaban at muli na naman itong sinipa sa sikmura, kaya napatalsik at tumama ng malakas ang kalaban sa pader. Pero hindi pa siya natatapos sq bagay na yun, dahil nilapitan niya ito at maraming beses na pinagsisipa sa sikmura at sinuntok sa mukha hanggang sa ito at sumuka ng dugo at mawalan ng malay. Binigyan niya pa ito ng isang malakas na sipa bago siya nakangisi at mayabang na humarap sa mag-ama.
" Whose next? " mayabang na sabi niya sa mga ito.
" Talagang ganun mo nalang kadali pinatumba ang tauhan ni Daddy ha. " sabi ni Allen na ngayon ay hinuhuban na ang coat at tinaas ang sleeve ng kang damit. " Ako naman ang subukan mo Reign. " nakangising sabi ni Allen habang unti-unting lumalapit sa kanya.
Nanatili lang nakatayo si Reign at seryusong nakatingin kay Allen habang hinihintay na lumapit ito sa kanya.
" Matagal ko ng hinihintay ang araw na to Allen... Ang makaharap ka at maipadama sayo ang naranasan ni Sun sa kamay ng mga hayop mong magulang. " seryusong sabi ni Reign at matalim na tiningnan si Mr. Chui.
" Cut that bullsh*t Ms. Carter... Maarte at hindi marunong makisama ang babaeng yun, kaya dapat lang yun mangyari sa kanya. " nakangising sabi ni Mr. Chui na para bang proud pa siyang ginawa niya yun sa kaibigan ni Reign.
Nanginginig at naaapoy sa galit si Reign ng marinig niya ang bagay na yun. Lalo na at hindi niya makita ang pagsisisi nito sa ginawa nito sa kaibigan niya. Mas lalo lang dumilim ang paningin niya sa pagngisi nito sa kanya. Kaya wala siyang pag-alinlangan na tumakbo upang sugurin si Mr. Chui. Pero nakalimutan niya nandon pala ang anak nito na gusto siyang kalabanin. Kaya hindi niya agad naiwasan ang suntok na tumama mismo sa sikmura niya.. napayuko siya sa sakit na dulot nito. Nadagdagan pa ang sakit na nararamdaman ng hawakan ni Allen ang buhok niya at kasabay non ang biglang pagtaas nito ng ulo niya para magkaharap silang dalawa.
" Ako ang harapin mo Reign. " galit na sabi ni Allen sa kanya.
" Ang anak na sunud-sunuran sa ama. " nakangising sabi ni Reign at nainsulto si Allen sa bagay na yun.
Hindi kumibo si Allen sa narinig, sa halip muli itong sinikmuran si Reign. Pero sa pangatlong suntok nito ay doon na nasalag ni Reign ang kamao.
" Magsama kayo ng amo mo sa impyerno. " seryusong sabi ni Reign.
Kasabay non ang pag-alis niya ng malakas sa kamay ni Allen sa pagkakahawak sa buhok niya, saka siya umikot at sinipa si Allen. Wala siyang pakialam kung saan man natamaan ng sipa niya si Allen. Sapat na yung ginawa niya dahilan para ito ay mahalumpasay sa sahig at sumuka ng dugo.
Muli siyang humarap kay Mr. Chui na ngayon ay gulat na nakatingin sa kanya.
" Gusto kung sabihin at malaman mo Mr. Chui, na ako ang pumatay sa asawa mo. " nakangising sabi ni Reign at agad din namang napalitan ng seryusong mukha. " At gusto kung muli mong maramdaman ang pakiramdam ng mawalan ng isang pamilya... Kaya tumingin ka kung paano ko unti-unting bawian ng buhay ang anak mo. " seryuso at desididong sabi ni Reign.
BINABASA MO ANG
Lady Boss
ActionShe is a lady with strong personality. She wants to protect her people. But, She didn't want her to be protected.